PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zanjoe Marudo shares father's biggest lesson about being a man

Zanjoe Marudo excited for Ria Atayde’s second baby with wife Ria Atayde.
by PEP Troika
Published 6 hours ago
zanjoe marudo apol of my ai
Zanjoe Marudo opens up about the values his father taught him, how fatherhood has changed his priorities, and why 2026 has been a year full of blessings as he and Ria Atayde prepare to welcome their second child.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Kuwento ng mag-amang Poli (Zanjoe Marudo) at Apol (Zion Cruz) ang pelikulang Apol of My Ai.

Kalahok ito sa 3rd Puregold CinePanalo filmfest noong Setyembre 23-Oktubre 6, 2026, for which nagwagi si Zion na best child performer, at si Zanjoe bilang best supporting actor.

May commercial release ang Apol of My Ai umpisa Disyembre 2, Miyerkules.

zion cruz zanjoe marudo apol of my ai
Zion Cruz and Zanjoe Marudo in Apol of My Ai
Photo/s: CinePanalo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ZANJOE MARUDO ON WHAT HIS FATHEr TAUGHT HIM ABOUT BEING A MAN

Sa totoong buhay, ano ang naituro kay Zanjoe ng kanyang tatay bilang isang lalaki?

“Kung may naituro man yung tatay ko, siguro — huwag kang manlalamang,” malumanay na tugon ni Zanjoe sa mediacon noong Nobyembre 26, Huwebes, sa Rosario restaurant, Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

“Doon ako nahulma. Dahil close kami ng tatay ko kahit nangibang-bansa siya.

“Hindi naman literal itinuturo, sinasabi, ‘Dapat ganito ka.’ Siguro habang tumatanda ka, nagagaya mo na lang din yung kung paano sila makisama sa mga tao.

“Ayun, OK lang naman. Tumanda naman ako na parang minsan kahit nagugulangan ako, naiisahan ako, hindi naman ako ganun kaapektado.

“Kasi, lalo na kung mga materyal na bagay lang naman. Pero siyempre, kailangang maging patas ka rin lagi.

“At huwag kang papayag na lagi ka na lang nauutakan o naiisahan. Lagi lang yun, maging fair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang kung meron man akong natutunan, maging fair ako hindi lang sa mga sitwasyon sa labas, sa trabaho, kundi sa mga tao sa paligid ko. Sa anak ko, sa asawa ko.

“Di ba? Hindi laging yung sarili ko lang yun. Lalo na ngayon, bawat desisyon sa buhay, hindi puwedeng gusto ko lang.

“Ano ba ang magiging epekto sa kasama ko? Sa asawa ko, di ba?

"Kailangan andun na rin yun, hindi yung laging kung ano lang ang magiging ikakabuti sa akin ngayon, kung ano ang ikakaligaya ko ngayon, di ba? Ngayong araw na ito.

“Pero pagdating ng panahon, maaapektuhan naman yung mga tao.”

Nasa cast din ng Apol of My Ai sina Rochelle Pangilinan, Mads Nicolas, Kat Galang, at Jacob Kawagdan, sa direksyon ni Thop Nazareno.

apol of my ai
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Filipiñana producer reveals Jorrybell Agoto's remaining hospital bill

NOEL FERRER

Paano niya ide-describe ang taong 2026 sa buhay niya, in general?

Napangiti si Zanjoe Marudo: “Ambilis ng panahon, grabe. Ahh makipaglaro sa anak ko, ayun, masaya!

"Ito kasing 2026, medyo ano na siya, papunta sa dalawang taon kaya nae-enjoy na namin.

“Tapos may bonus pa na panibagong baby. Punumpuno ng blessings yung 2026 ko.

“Nakagawa ako ng pelikula, yung Apol of My Ai. Nakatapos din ako ng isang bagong pelikula na ipapalabas naman next year.

“Kaya tingin ko, mas less stress itong 2026 sa akin compared sa mga ibang taon.

“Dahil ito na, siguro unti-unti nang nagmu-move on yung mga tao sa mga nangyari noong start ng pandemic sa buong mundo, sa buong bansa.

“Ayun, and tingin ko, maganda naman yung estado namin ngayon, kami na isang pamilya, kami ni Ria [Atayde] at ni Sabino.

“Excited na sa Pasko at saka sa bagong baby.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ZANJOE AND RIA'S SECOND BABY

Sa first quarter of 2027 nakatakdang iluwal ni Ria ang pangalawang supling nila ni Zanjoe.

E, si Sabino, excited na bang maging kuya at makasama ang kapatid?

“Oo, minsan. Minsan ayaw niya. Pero mas lamang ngayon na alam na niya,” lahad ng premyadong aktor.

“Mas naiintindihan niya na, na may darating na siyang kapatid. Pero siyempre, andiyan yung magiging clingy na.

“Magiging clingy na dahil siguro normal lang yata talaga yun, e. E, nakakatuwa dahil excited na rin.

“Excited na rin yung panganay namin… Naiintindihan niya na magiging kuya na siya, na meron siyang kapatid na darating.”

Nung una nilang sinabi kay Sabino na magkakaroon ito ng kapatid, ano ang reaksyon?

“‘No!’ sabi niya. No agad. Baby brother pa ang tawag namin. ‘O, you have baby brother.’ ‘No!’ Pero minsan, kinikiliti niya,” kuwento ni Zanjoe.

“‘Can I tickle my baby brother?’ Masarap, masarap sa pakiramdam na… na-excite nga ako na magsama na silang dalawa.

“Lumaki silang sabay. Tapos mag-aral sila sa isang school, di ba?”

Read: Actor's sudden change of heart puts movie project in limbo

GORGY RULA

Okay lang ba sa kanya kung mag-showbiz din ang panganay nila ni Ria Atayde na si Sabino?

“Puwede, kung kaya niya. Kung kaya niya… pero sa tingin ko, hindi kayang humarap sa ano. Mahiyain, e,” sambit ni Zanjoe Marudo.

“Pero depende sa kanya, kung ano naman ang gusto niya, at kaya niya.

"Sa generation nila kasi, kanya-kanyang shoot na, e. Depende pa rin.”

Ano ang favorite niyang bonding moment nila ni Sabino?

“Bonding? Ahh, hindi manood ng TV. Pero maglaro, maglaro talaga. Mag-swimming,” saad ni Zanjoe.

“Gusto na nga raw niyang mag-work. Para mabilhan daw niya ako ng bike. ‘Daddy, I’ll go to work.’ ‘Why?’ ‘So I can buy you bike,’ sabi niya.

“Sinasabi ko yun, pag aalis ako, ‘Magwo-work si Daddy.’ Sabi niya, ‘Why?’ ‘Para mabili ko yung toys mo.’ Para payagan niya akong umalis.

“Ngayon, siya raw, gusto na niyang mag-work. Para makabili siya ng bike.”

Read: Actor's sudden change of heart puts movie project in limbo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zanjoe Marudo opens up about the values his father taught him, how fatherhood has changed his priorities, and why 2026 has been a year full of blessings as he and Ria Atayde prepare to welcome their second child.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results