GORGY RULA
Na-trauma ang staff ng isang movie production sa isang veteran actor na dapat makatrabaho niya sa isang pelikulang isu-shoot sa ibang bansa.
Maraming dapat ayusin ang production bago sila lumipad sa bansang pagsusyutingan nila.
Ang pinakaimportante siyempre ay ang working visa. Kailangang personal mo itong i-apply sa embassy.
Inayos ng staff ang schedule ng veteran actor.
Dumating ang araw ng pag-a-apply, pati ang interview.
May nakatakdang oras ng pagpunta ni Veteran Actor sa embassy.
Sinabihan ang veteran actor na dumating ng ganitong oras, at doon na sa sila sa embassy magkikita ng staff.
TALAK TO THE MAX
Kaso, ang ginawa ng veteran actor, pagkatapos ng taping niya para sa isang TV show ay dumiretso siya sa embassy — mga apat na oras bago ang naka-schedule na oras ngf schedule niya,
Sa isip-isip siguro ng veteran actor, kung uuwi pa siya ng bahay ay baka magdire-diretso na ang tulog niya.
Baka ma-late siya sa takdang oras, or worse, hindi makarating.
Naghintay si Veteran Actor ng halos apat na oras.
Si Staff ay dumating sa embassy 10 minutes before sa ibinigay na takdang oras.
Pero pagdating ni Staff, sinalubong siya ni Veteran Actor ng super-duper na talak.
Ultramagnetic talakitok to the max!
Read: Perfect Marriage director Dan Villegas on Kim Chiu pregnancy rumors: "I have no idea."
NOEL FERRER
Sinigawan daw at sinabon nang lubos ng veteran actor ang staff.
Bakit daw ngayon lang ito dumating gayong halos apat na oras raw naghintay si veteran actor sa labas ng embassy?!
Nawindang si staff.
Hindi siya na-late sa ibinigay na oras ng embahada.
Hindi niya sinabihan si veteran actor na dumating nang ganun kaaga.
Desisyon ni Veteran Actor na tumuloy sa embassy pagkatapos ng taping niya.
Kahit anong paliwanag ni Staff, ayaw tanggapin ni Veteran Actor.
VETERAN ACTOR BACKS OUT FROM THE PROJECT
Ayun, lumayas si Veteran Actor at hindi na tumuloy sa embassy.
Hindi na raw niya gagawin ang film project.
Nataranta siyempre ang buong production team ng pelikula.
Mga two weeks na lang daw kasi ay lilipad na sila sa bansang pagsusyutingan at kasado na ang buong cast.
Visa na lang ang kulang.
How do you solve a problem like the veteran actor?
Read: Zanjoe Marudo shares father's biggest lesson about being a man
JERRY OLEA
Kalma lang ang movie producer.
Hindi siya interesadong ituloy ang veteran actor sa film project dahil sa ginawa nito sa kanyang staff.
Ayaw ni Producer na ginaganun ang kanyang staff.
Sa kanilang trabaho, hindi raw puwedeng magtalakan.
Kapag may sumigaw lang o magmura sa kung sinong katrabaho sa loob ng set, tiyak na tanggal daw ito.
Iwinawaksi nila ang mga negatron.
Isa raw sa mga alituntunin ng movie production na ito, kapag galit na sumigaw lang ng isa, tanggal ka agad.
Kaya pala kahit sa shooting nila, kahit sumigaw lang si Direk ng “Cut!” ay hindi ganun kalakas.
Masaya ang atmosphere ng shooting, walang nag-aaway, o nagtatalakan sa set.
BLACKLISTED
Kaya hindi raw matanggap ni Produ ang ginawa ng veteran actor sa staff ng movie production.
Ekis na siya agad!
Ayaw na nila itong makatrabaho ever! Blacklisted sa kanilang company.
Banned! Boycotted! Distrusted!
Excluded hanggang sa dulo ng walang hanggan!
Naghanap ang production ng kapalit ni veteran actor.
Meron silang nakausap, at naayos ang visa nito.
Nakaalis sila sa schedule ng shooting. Maganda ang kinalabasan ng movie.
Blessing in disguise ba ang pag-a-attitude ng beteranong aktor?!
Read: Filipiñana producer reveals Jorrybell Agoto's remaining hospital bill
