PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gary Valenciano brings Inspired concert to Bacolod

Gary Valenciano stays unstoppable with concerts, podcast, advocacy.
by PEP Troika
Published 6 hours ago
gary valenciano inspired concert
Gary Valenciano brings his Inspired concert to the University of Saint La Salle Coliseum in Bacolod City on November 28, 2026, with Elke Saison Ortiz, Alyssa Quijano, and Manoeuvres Ignite.

GORGY RULA

Matagumpay ang concert series ni Gary Valenciano na Gary V: Back At The Museum noong October 2026 sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

Sold-out ang 10 nights, at mukhang bitin pa!

May clamor na magkaroon ng repeat.

Abangan natin sa susunod na taon kung muli nating mapapanood si Mr. Pure Energy sa Music Museum.

Pero sa ngayon ay tuloy pa rin si Gary V sa kanyang paghataw.

Nandiyan pa rin ang energy niya sa pagpe-perform lalo na kung para sa kanyang adhikain.

INSPIRED CONCERT IN BACOLOD

Sa Sabado, November 28, 2026, ay nasa Bacolod siy Gary V para sa kanyang inspirational concert na pinamagatang Inspired.

Gaganapin ito sa University of Saint La Salle Coliseum ng 7:30 P.M.

Naikot na pala ni Gary V ang Inspired concert niya sa North America, Australia, New Zealand; pati sa Nueva Ecija at Baguio.

Sa Sabado ay sa Bacolod naman siya, kasama sina Elke Saison Ortiz, Alyssa Quijano, at ang Manoeuvres Ignite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Mon Faustino ang musical director nito.

Ang Kalipay Negrense Foundation, isang non-government organization na tumutulong sa pagsagip, rehabilitasyon, at muling pagsasama sa komunidad ng mga batang nangangailangan, ang nagdadala ng naturang concert sa Bacolod.

Mabibili ang tickets nitong Inspired concert sa SM North Wing katabi ng Krispy Kreme.

Puwedeng makipag-ugnayan kay Earl sa telepono 09952422382.

Read: Filipiñana producer reveals Jorrybell Agoto's remaining hospital bill

JERRY OLEA

Maaasahan kay Gary Valenciano ang mga hataw na dance numbers, paboritong love songs, inspirational hits, at mga kuwentong aantig sa puso ng manonood.

Higit pa sa isang concert, selebrasyon din ang Inspired ng buhay, pag-ibig, pamilya, pananampalataya, at pag-asa.

Pinarangalan kamakailan si Gary V. ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) sa Awit Awards ng Dangal ng Musikang Pilipino – Best Concert Artist of the Year Award.

Kasunod ito ng kanyang natanggap na SUDI National Music Award mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa Best in Creative Performances.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GARY V'S PODCAST SHOW

Bukod sa kanyang mga concert, patuloy na umaarangkada ang weekly inspirational podcast niyang Unshaken With Gary V.

May 26 episodes na ang podcast na kinatampukan nina President Bongbong Marcos, Coco Martin, Julia Montes, Toni Gonzaga, James Reid, Michael V, Gloc-9, Ogie Alcasid, Congressman Chel Diokno, Senator Kiko Pangilinan, mga anak niyang sina Paolo, Gabriel, at Kiana, among others.

Hindi lang basta celebrity interviews ang hatid ng Unshaken.

Dito ay mas nakikilala ng publiko ang mga personalidad sa likod ng kanilang kasikatan sa pamamagitan ng mga personal na kuwento tungkol sa kanilang mga pinagdaanan, pagsubok, pananampalataya, at kung paano sila muling bumangon sa buhay.

Read: Perfect Marriage director Dan Villegas on Kim Chiu pregnancy rumors: "I have no idea."

NOEL FERRER

Patuloy rin si Gary Valenciano sa kanyang adbokasiyang Face2Face na layuning matulungan at mabigyan ng pag-asa ang mga kabataang Pinoy na dumaraan sa mental health at emotional struggles.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Umabot na sa 75 schools nationwide ang naturang programa.

Kabilang sa mga susunod nitong aktibidad ang pagbisita sa STI West Negros University sa November 26 at sa University of Saint La Salle sa November 27.

GARY V PERFORMS AT ASEAN SUMMIT

Nagtanghal din si Gary sa dalawang prestihiyosong ASEAN events — ang ASEAN Business Awards and Partnerships Gala noong November 15, at ang ASEAN Business Investments Summit noong November 17.

Bahagi ng kanyang mga pagtatanghal ang "Love In Any Language" at ang finale number na "Together In Motion," kasama sina Julie Anne San Jose at SB19.

Muling umantig sa puso ng overseas Filipino at kanilang mga pamilya ang kanyang classic hit na "Babalik Ka Rin," na naging sentro ng 2026 Between Here And Home campaign ng Sendwave.

May bago rin siyang product endorsement para sa Del Monte Philippines.

Sa kabila ng ilang dekada na niya sa industriya, at kasabay ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng kanyang management company, wala pa ring kupas ang husay, energy, at dedikasyon ni Gary sa pagbibigay-saya at inspirasyon sa mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Zanjoe Marudo shares father's biggest lesson about being a man

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gary Valenciano brings his Inspired concert to the University of Saint La Salle Coliseum in Bacolod City on November 28, 2026, with Elke Saison Ortiz, Alyssa Quijano, and Manoeuvres Ignite.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results