Liz Alindogan, inaming binasted noon si Rolly Quizon; Zsa Zsa, suportado pa rin ang mga Quizon

by PEP Troika
Mar 16, 2018

JERRY OLEA: Gulat na gulat at hindi makapaniwala ang dating sexy actress na si Liz Alindogan sa pagpanaw ni Rolly Quizon.

“Grabe! Totoo ba ‘yon?” sambit ni Liz nang makahuntahan namin kagabi, Huwebes, Marso 15, sa first anniversary ng Hazelberry Café ni Ara Mina.


Kapanabayan ni Liz si Rolly at nagkasama sila sa ilang pelikula, gaya ng Dolphy’s Angels at John en Marsha sa Amerika.

Continue reading below ↓

“Very close ko ‘yon,” sambit ni Liz.

“Magkakasama kami nun. Talagang nag-start kami, kasama ko si Ann Villegas... halos every day, every night, magkakasama kami.

“Noong huli kong makita si Rolly, OK pa siya. Mahaba ang pinagsamahan namin, kaya nakakagulat.”

Naalala pa ni Liz na nag-i-Spirit of the Glass sila noon, kasama sina Maricel Soriano at Anna Marie Gutierrez.

May Truth or Consequence sa kanilang paglalaro, at binubuyo sila noon, “Kiss! Kiss! Kiss!”

Nanligaw noon si Rolly sa kanya, pero hindi niya ito sinagot.

“Meron kasi ako noong Jess Lapid Jr.!” napangiting bulalas ni Liz.

Pagpapatuloy ni Liz, “May friend si Rolly na babae, na kilalang-kilala ko. Sabi niya, nagkaroon daw sila ng relationship ni Rolly.

“Tapos, sabi niya, ‘Alam mo ba, pinupunit ko lahat ng picture mo! Kasi, lagi kang sinasabi sa akin ni Rolly na ikaw ang love niya!’

Nagkita kami nung babaeng ‘yon mga three months ago. Maganda pa rin siya.”

Continue reading below ↓

Yummylicious si Rolly noong kasikatan niya.

Hindi namin malilimutan ang pagganap niya bilang mama’s boy na inibig ni Chato (Vilma Santos) sa Burlesk Queen (1977, sa direksiyon ni Celso Ad. Castillo).

Nag-best actor si Rolly sa controversial entry na iyon sa MMFF.

Nakatatak din sa isip namin ang papel niya bilang herederong may puso para sa mahihirap, at umibig sa simpleng si Maria (Rio Locsin) sa Disgrasyada (1979, sa direksiyon ni Elwood Perez).

Sabi pa ni Liz Alindogan, “Ang lambing-lambing niyang si Rolly! Tapos, pag nagsalita siya... alam mo, siya ang nagpauso nu’ng parang slang-slang na magsalita?

“‘Alam mo....’ ‘yung ganyan, na parang, ‘Kaya nga, eh... nandito nga ako, eh...’

“O, di ba, ganu’n siyang magsalita? Ang cute!”

NOEL FERRER: Sunud-sunod ang dagok sa pamilya Quizon dahil kamamatay lang din ng isa nilang kaanak na si Dino, at heto na naman si Rolly.

Inaayos lang mga kailangan sa hospital, at ang burol at public viewing ay magaganap sa Mount Carmel simula 3 PM mamaya.

Continue reading below ↓

Nakikiramay tayo sa pamilya, at grabe ang paghanga sa mga kaibigan nating sina Eric Quizon at Zsa Zsa Padilla na siyang nagtataguyod ng pamilya hanggang ngayon.

GORGY RULA: Si Eric Quizon naman ang administrator ng pamilya, di ba?

Pero ang nakakatuwa at puwede mo nang patayuan ng bantayog sa sobrang kabaitan, si Zsa Zsa Padilla.

Puwede namang hindi na niya pakialaman 'yan, pero nandiyan pa rin ang concern at pagmamahal niya sa mga anak ni Mang Dolphy.

Bahagi pa rin talaga siya ng pamilya.

I’m sure naglabas din siya ng sarili niyang pera para maitawid lang itong burol ni Rolly.

Sana ma-realize yan ng ibang Quizon siblings, di ba?

Deserved ni Zsa Zsa ang tamang pakikisama at paggalang sa lahat na ginawa niyang hirap sa mga anak ni Mang Dolphy.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Zsa Zsa Padilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results