Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ara Mina, gustong magkaanak ulit kay Mayor Patrick Meneses

by PEP Troika
Mar 16, 2018

JERRY OLEA: Nag-reunion ang mga taga-That’s Entertainment sa unang anibersaryo ng Hazelberry Cafe ni Ara Mina nitong Huwebes, Marso 15, sa Pwesto Community Mall, Holy Spirit Drive, QC.


Ang saya-saya!

Pinangunahan ni Martin Nievera ang jamming session, at sumunod na kumanta sina Jan Marini, Gladys Reyes, Karen Timbol, Jojo Abellana, at Brylle Mondejar.

Continue reading below ↓

Pangiti-ngiti si Gladys sa pagbirit ng "Torn."

Walang mababakas na pait sa kanyang mukha dahil kasama niya nang gabing iyon ang asawang si Christopher Roxas.

Namataan din namin sa pagtitipon sina Edu Manzano, Glenda Garcia, Jenny Miller, Liz Alindogan, Deborah Sun, Paul Salas, LJ Moreno, Gary Bereña, Jaycee Parker, at si Melissa Ricks na namumukod ang ganda kahit malapad pa rin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Present ang tatay ni Ara na si Chuck Mathay, na magiliw na nakisalamuha sa mga bisita.

Andoon din si Mayor Patrick Meneses na siyang kumarga at nagbantay sa three-year-old daughter nila ni Ara na si Amanda, habang aligaga si Ara sa pag-iistima sa mga kaibigan.

Continue reading below ↓

Kahit hiwalay na sila, open si Patrick na bigyan ng kapatid si Amanda.

Biro naman ni Ara, gusto niya ng baby boy.

If ever, sapat na raw kay Ara ang dalawang anak.

May manliligaw si Ara pero, “Hindi ko na pinapansin. Kasi, ano, wala... walang spark.”

Maaliwalas at inspirado sa buhay si Ara dahil sa kanyang anak. Gusto pa rin niyang magkaasawa.

“Ayoko namang tumandang dalaga,” sambit ni Ara.

“Pero right now, ine-enjoy ko si Mandy (palayaw ng anak).

“Ine-enjoy ko si Mandy habang maliit pa. Sobra kasing cute niya ngayon! Sobra ang lambing!”

Naiisip pa ba niya ang kasal?

“Dati, dream ko. Pero ngayon, parang bahala na,” kaswal na pahayag ni Ara.

“Kasi nga, hindi mo masasabi iyan.

"Pag nagkaroon ka ng spark sa isang guy, nagkagusto ka, doon mo na maiisip ‘yang wedding-wedding, eh.

“Siyempre, lahat naman ng babae, gustong makasal.”

Pero mukhang OK naman siya sa status niya, ah?! Mukha pa rin siyang masaya.

Continue reading below ↓

“Kasi naman, ang babae, nakakapagtiis!” nakangiti pa ring bulalas ni Ara.

“Kahit alam mo na... magbisi-bisihan ka lang! Kita mo, nagha-hiking ako. Nagbe-baking ako.

“Ano ba, magkakaroon pa ba ako ng time sa love life?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

NOEL FERRER: Ibang klase rin si Ara, ‘no—napaka-diverse ng mga lalaking kinasasangkutan.

The good thing is she has made a firm resolve na ayusin ang buhay niya at bigyan ng magandang future si Mandy (Amanda) na anak niya.

Maganda rin ang arrangement nila ni Patrick Meneses na, who knows, magkaroon pa nga ng kasunod ang kanilang anak.

How to be you Ara? Hiking, baking, acting, and still alluring with the boys?

When I learned about one person na na-link din kay Ara na sinasabing controversial at “well endowed,” ang nasabi ko lang, “Iba rin talaga ang alindog ni Ara Mina, di ba? Inclusive!!! “

Malalaman niyo 'yan bukas sa Level Up Showbiz Saturdate sa Radyo Inquirer kung saan makakasama ko ang ating ka-PEP TROIKA in one hot, hot show! Promise!!!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Sinabi na noon ni Ara na kung sakaling pumasok siya sa isang relasyon, gusto niyang ito na yung lalaking pakakasalan niya.

Ayaw na raw niya yung basta lang nagka-boyfriend.

Curious lang ako kung ano ang drama nila ni Mayor Patrick, bakit niya nasabing gusto niyang magkaroon ng kapatid si Mandy na pareho ang ama.

May churvahan pa rin ba sila kahit hiwalay na sila?

Kasi inamin naman noon ni Ara na may natitira pa talaga siyang love kay Mayor Patrick dahil ama raw ito ng kanyang anak. Bakit hindi na lang sila magkabalikan?

Okay naman yata si Ara sa pamilya ni Mayor Patrick, at tumutulong naman siya dati sa pangangampanya sa Bulacan.

Teka. Bakit wala na akong nababalitaang nagka-girlfriend si Mayor Patrick pagkatapos nilang maghiwalay ni Ara?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results