Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

James at Nadine, nag-"pass" nang tanungin tungkol sa sex

by PEP Troika
Mar 18, 2018

GORGY RULA: “Matapang,” sabi ni Nadine Lustre.

“Very daring,” sabi naman ni James Reid tungkol sa pelikula nilang Never Not Love You, na magsu-showing na sa Black Saturday, March 31.

Dagdag pa ng Kapamilya actress, “This is not the typical romcom. It’s something different, something more dangerous, I guess.

“It’s something that’s more real, something that’s more raw and more true to life for us.

"I believe, yung mga generation now, they’re more open-minded about a lot of things, and they’re starting to embrace what’s happening now, at kung anong mga bago.

"Mas fearless na po kasi sila ngayon, e."


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero nang sinundan namin ng tanong kung paano niya ide-describe ang kanilang relasyon sa ngayong henerasyon, medyo naaalangan si Nadine na sagutin ito.

“Our relationship is very motivated. Like, we’re open to new things,” sabi lang niya.

Next question namin sa kanila sa presscon ng naturang pelikula kahapon, March 17: sa relasyon ba ng millennials o sa ‘now generation,’ mahalaga ba ang sex?

Matagal bago sila nakasagot.

Sabi lang ni Nadine, “I think that’s kind of a sensitive question.

"I’m sorry po. I’d rather not answer that."

“Pass!” nakangiting sagot naman ni James.

JERRY OLEA: Siyempre pa, sensitive din para sa JaDine ang isyu ng live-in.

Dangerous sa career kung bubulatlatin nang todo ang mga ganitong usapin.

At least, kahit paano ay liberating na gumawa sila ng ganito katapang na istorya.

Wish ko lang na sa mga susunod nilang pelikula, himayin nila ang iba pang mga maseselang paksa.

Halimbawa, ang AIDS o HIV.

Continue reading below ↓

Kahit meron nang TV series (Hindi Ko Kayang Iwan Ka ni Yasmien Kurdi), iba pa rin kung sa pelikula ito itatampok, na bida pa ang JaDine, if ever.

Makabuluhan din na dalirutin ang isyu ng depression at suicide, lalo pa’t may ganitong pinagdaanan ang kapatid ni Nadine.

Keribels ng JaDine ang mga ganitong milieu.

NOEL FERRER : And so, live in nga ba sila?

Pass!

At this age, does it matter?

To some advertisers, YES!!!

But to the millennials, Kebs!!!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results