Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Precious Lara Quigaman, 11 weeks pregnant sa second baby nila ni Marco Alcaraz

by PEP Troika
Mar 18, 2018

NOEL FERRER: They delayed the announcement because she had to inform family and her network boss first about it before it’s finally out!

Yes, Miss International 2005 Precious Lara Quigaman is 11 weeks pregnant with her second child with actor, sportsman, and model Marco Alcaraz whom she married 7 years ago.

Ang panganay nilang si Noah ay 5 years old na kaya it’s about time na rin na masundan na siya.

Marco has just wrapped up work for the long-running afternoon teleserye of GMA7 na Ika-6 Na Utos.

“Blessing talaga ang baby, na-extend at haba ang soap namin at maganda talaga ang samahan ng lahat.

"Sana more blessings pa,” sabi ni Daddy Marco, na sasamahan ngayon si Lara sa coronation night Binibining Pilipinas 2018 where Lara will sit as one of the judges.

“Maraming magaganda at matatalino sa batch na ito! Exciting talaga!

"But I will look for someone who is true to herself, and can represent the best in us Filipinas,” sabi ni Lara, na advocate din ng #authenticself.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Ay! Si Lara pala ang buntis!

Akala ko, si Judy Ann Santos, o yung wife ni Luis Alandy!

Blessing ang baby ni Lara para sa kanila ni Marco Alcaraz.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero sana naman, huwag agad patayin ang karakter ni Lara sa Bagani.

Kaya pa naman niyang kumayod, di ba?!

NOEL FERRER: Nakakatawa si Ninang Marilen Nuñez na organizer ng Omega event sa Amanpulo.

Sabi niya ay buo na ang baby nang dumating sina Marco at Lara sa Amanpulo.

Ibig sabihin, made in Canada ang baby? Dun kasi nag-Holidays ang mag-anak.

Ang maganda rito, blessing din kay Lara itong baby na ito dahil after some time of absence sa television, heto at bongga siya sa Bagani at meron pa siyang sinu-shoot na iba!

Sana nga hindi muna siya i-exit sa mga project niya, dahil kahit noong buntis naman siya noon kay Noah ay nakapagtrabaho siya hanggang ika-8 month niya ng pregnancy.

Continue reading below ↓

Oh well, we wish Lara and Marco the best! Magaganda at mabubuting tao kasi sila talaga.

GORGY RULA: Inaabangan na ng reporters si Lara Quigaman sa Binibining Pilipinas mamayang gabi.

Ang tanong nila lahat, kakayanin pa ba ni Lara mag-Bagani kapag lumalaki na ang tiyan niya?

Maraming magpapakasal ngayong taon, sana marami na ring babies para sa mga susunod na generation sa showbiz.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results