Young actress na anak ng dating aktres, game sa hubaran

by PEP Troika
Mar 19, 2018

JERRY OLEA: Nagulat ang kaibigan naming line producer nang mapanood ang rushes ng matapang na pelikula ng isang pinagpipitaganang direktor.

May mapangahas na eksena kasi ang isang young actress na anak ng isang dating aktres.

Palaban din sa hubaran ang kaeksena nitong baguhang aktor.

Hindi nahirapan ang respetadong aktor sa shooting ng nasabing eksena, dahil game ang kanyang mga artista.

Kahit kasi may mga eksena ng hubaran at lampungan sa mga pelikula ni Direk, hindi naka-focus doon ang istorya.

Bagkus ay sangkap lang ang mga iyon sa mga pelikula ni Direk na pawang may malalim at matalas na komentaryo sa mga kaganapan sa ating lipunan.

GORGY RULA: Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko sa batang ito, kasi ang dating sa akin, parang kailangan niyang mag-artista, kailangan nilang magkapatid na magtrabaho, dahil kailangan talaga?

Hindi kasi tipong artista ang batang ito kung ikukumpara sa mga kapatid niyang magaganda.

Continue reading below ↓

Maganda naman siya, pero hindi pang-artista na mapapalingon ka kapag masalubong mo sa siya.

Unless, may mga binago sa mukha at katawan niya para mas kaakit-akit at kabigha-bighani.

Nag-audition 'yan minsan sa isang talent-reality show, hindi rin siya pumasok sa shortlist man lang.

Sana makatulong ang pelikulang ito para maabot ang pangarap na bituin ng batang ito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER: Kilala ko rin sya.

Siya yung sinasabi nilang nawala sa isang party at may milagrong ginawa kasama ng isang kasamahan sa trabaho sa parking lot.

Medyo adventurous siya compared sa mga kapanabayan niya, pero wala siya takot kahit noong mas bata bata pa siya.

Kailangan niya ba talagang gawin ito?

At ngayong nagawa na niya, sana talaga ay maiangat niya ang kanyang estado at pati na sa kanyang pamilya.

Bakit nalulungkot ako para sa kanya?

Kasi pagsayaw talaga ang forte niya, hindi ang paggiling sa kamera.

Sana na lang mali ako!

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
pep troika, blind item
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results