Joey de Leon at Eileen Macapagal, ikinasal na sa wakas!

by PEP Troika
Mar 19, 2018

NOEL FERRER: Noong weekend pa namin gustong i break ang balitang ito: isang longtime partnership na finally nauwi sa kasal.

Lumabas ang post ni Tito Joey de Leon noong Linggo, March 18, referring to Eileen Macapagal as "WIFE!"

Pagbabadya na iyon.

A Great Wall and a GREAT WIFE !

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo) on

Hanggang sa lumabas ang kumpirmasyon sa post ni Pauleen Luna-Sotto ngayong araw, March 19, na nag-attend ng wedding reception of sorts kasama ang malalapit na kamag-anak at kaibigan nina Tito Joey at Eileen.

Sa Supreme Court mismo ginanap ang civil wedding nina Joey at Eileen.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Tinutukan namin kanina ang Eat Bulaga.

Waley roon si Joey de Leon, at wala ring pagbanggit sa kasal nila ni Eileen.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“That’s it! Natuloy din!” post ni Tito Sotto sa Instagram kaugnay sa wedding.

That’s it! Natuloy din!

A post shared by Tito Sotto (@helenstito) on

Ang message ni Manay Lolit Solis na co-host noon ni Joey sa Startalk, “Naku, si Eileen ang perfect match kay Joey.

"Ganda combination nila, lagi ko example kay Pauleen si Eileen, na dapat gayahin niya dahil hindi lang good wife and mother, bestfriend pa ni Joey.

“Love na love ko silang dalawa dahil nakita ko how good they are.

“Congrats, they are really blessed.”

GORGY RULA: Nung nakaraang weekend pa natin nalaman ang tungkol sa kasalan nina Tito Joey at Tita Eileen, pero mahigpit na ipinagbilin ng close friends na huwag munang ilabas.

Hintayin na lang daw ang go signal ni Tito Joey kung puwede na itong ilabas.

Ayon pa sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, meron pa raw isang seremonya na dinaluhan ang bagong kasal bago itong pagpapakasal nila sa Supreme Court kaninang umaga, March 19.

Continue reading below ↓

Doon daw bumigay si Tito Joey kung saan napaiyak daw ito nang husto.

Mahigit 30 years nga naman silang naghintay bago natupad ang matagal nang ipinangako ni Tito Joey na kasal para kay Tita Eileen.

Kaya naging emotional siya, pati raw close friends at mga anak na sumaksi sa pagtitipong iyon.

Kaya swak na swak din sa kanila ang pinasikat na linya ng AlDub na "hintayin ang tamang panahon."

Congratulations sa bagong kasal!

At ito ang kuha mula sa ginaganap na reception ngayong gabi:


Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results