Lalaki sa video scandal, kamukha ng isang sikat na pulitiko

by PEP Troika
Mar 20, 2018

JERRY OLEA: Kung may fake news, meron ding fake scandal.

Lumutang noon ang isang sex video kung saan itinurong bida ang isang babaeng politician.

Binaboy ang pagkababae at pagkatao ng female politician, at pinagpiyestahan iyon ng mga sukab at salaula.

Kumakalat ngayon sa socmed ang isang sex video, kung saan ang isang lalaki ay nakabukaka habang nilalapastangan ng kapwa lalaki ang kanyang lagusan.

Ipinapangalandakan na ang lalaking naka-Victory Joe ay ang sikat na politician, na kilala maging ng mga dayuhan.

May konting pagkakahawig sa male politician ang bida sa sex video, pero kahit anong sipat ko ay hindi siya iyon.

Maliwanag ang lighting sa nasabing video, at kitang-kita ang mukha ng lalaking binabalahura.

NOEL FERRER: Ang tanong, bakit lumalabas ang ganyang sex scandal sa mga pulitikong nabanggit ngayon lamang?

Who stands to gain?

Kapag ganito kasi, walang nagwawagi.

Have we really gone to the dogs(tyle)?

GORGY RULA: Nung nakita ko yung video na yun, obvious namang hindi si Sen. Pacquiao yun kahit medyo kahawig. Kaya hindi na dapat patulan pa.

Continue reading below ↓

Marunong naman ang mga netizen kung alin ang totoo at ang fake news o video scandal.

Hindi naman lahat ng lumalabas at nakikita natin sa social media ay totoo. Kaya deadma!

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results