Alma Concepcion, umalma sa pagkalkal ng drug issue niya noon

by PEP Troika
Mar 20, 2018

JERRY OLEA: Umalma si Alma Concepcion ngayong Martes, Marso 20, sa nabasang online article entitled “List Of Pinoy Celebrities Who Ruined Their Career With Illegal Substance.”

Two months ago pa iyon na-upload, at nakalista roon ang mga pangalan nina JM de Guzman, Anjanette Abayari, Niño Muhlach, John Wayne Sace, Jiro Manio, Nora Aunor, Alma Concepcion, Jommy Teotico, Sabrina M, Mark Anthony Fernandez, Krista Miller, Claudine Barretto, at Bong Alvarez.


Continue reading below ↓

Himutok ni Alma sa Facebook, “#libelous #irrelevant

"Guam incident happened 20 years ago (1998). I was released after 28 days cuz of my negative drug tests.

"The writer irresponsibly omitted (or obviously was lazy to research) what happened to my life from 1998-2018. Sigh #irresposiblenews”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nagpadala si Alma ng mensahe sa website, at nangako ang admin nitong tatanggalin ang nasabing artikulo.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Kung meron kang nagawang di makakalimutan ng mga tao, harapin mo ang consequence nito kahit ilang taon nang lumipas.

Ganun talaga. Kahit may nagawa kang mabuti, matatakpan ng di maganda.

Ang mabuting gawin diyan, deadmahin na lang para di na lumaki ang isyu at hindi na mapag-usapan uli.

Bakit ba hindi kalkalin ang mga kilalang celebs na sangkot pa rin sa droga hanggang ngayon?

Huwag nang buhayin ang mga namatay nang isyu.

NOEL FERRER: Mas mahalaga ang magkuwento ng pagbangon kaysa yung mga pagbasak.

Mas nakaka-inspire ang ganung istorya kaysa naman mag-focus na buhayin ang lugmok na nakaraan.

Marahil, isa na naman itong pagpapalaki ng balita na mapapatanong ka: who stands to gain?

In the end, nakakaawa naman kung wala.

Read Next
Read More Stories About
pep troika
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results