Joey de Leon at Eileen Macapagal, ikinasal muna sa simbahan bago ang kanilang civil wedding

by PEP Troika
Mar 20, 2018

GORGY RULA: Kanina lang ay nag-post si Eileen Macapagal-de Leon sa kanyang Instagram account ng larawan ng kasal nila ni Joey de Leon.


Iba ang kuha nito sa mga naglabasang posts sa kasal nila sa Supreme Court kahapon, March 19.

Tila kuha sa simbahan, kaya mukhang may naganap na church wedding bago itong sa Supreme Court.

Continue reading below ↓

Ayaw lang ibigay sa amin ang ibang detalye, pero ayon sa ilang napagtanungan namin, mayroon nga raw church wedding, pero hindi ginanap dito sa ating bansa.

Hindi rin sinabi kung kailan.

Sinubukan naming tawagan si Tito Joey, pero hindi niya sinasagot ang aming tawag.

Pero sobrang saya raw nila kahapon dahil natupad na rin ang matagal nilang hinihintay na church at civil wedding.

Sabi nga ni Madam Eileen sa caption ng post na yun sa kanyang IG account: “Our story is one great love story by the Lord, of perseverance and prayer. The wait was long, but He answers all our prayers… In His perfect time!”

Kuwento ng ilang kaibigang nakadalo sa reception nila sa Manila Hotel kagabi, sobrang saya raw nilang lahat.

Nagsayawan sa saliw ng Beatles songs, at nagkaroon pa raw ng game para sa mga couple.

Kaya ang saya-saya lang daw ng lahat na nakadalo sa selebrasyong iyon.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Sa tamang panahon, naganap ang pag-iisang dibdib nila sa isang bansa sa Asya.

Matapos ang mahigit 30 taong pagsasama, nabasbasan ng simbahan ang kanilang pagmamahalan.

Waley si Manay Lolit Solis sa reception kagabi, dahil umiiwas siya sa mga ganap pagkagat ng dilim, ngunit masaya siya sa mga bagong kasal.

Best wishes!

NOEL FERRER: Sabi nga ni Ryan Agoncillo, na kasama bilang ka-date ang asawa niyang si Judy Ann Santos, “Sayang hindi ako nakapag-practice.

"Nakikikanta sana ako ng ‘I Wanna Hold Your Hand’ habang hawak hawak ang kanyang maybahay."

Kaninang umaga, sa aming regular na update-an, sabi ni Ryan, "Ang sarap namnamin nung kuwento nila! Tunay na #relationshipgoals"

After more than 30 years, sa pag-iisang dibdib at pagsasamang panghabambuhay mapupunta ang lahat!

Mabuhay ang Bagong Kasal!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results