Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pagdi-dirty finger ni Juancho Trivino, hindi para talaga kay Alden Richards

by PEP Troika
Mar 20, 2018

JERRY OLEA: Inusisa si Alden Richards sa presscon ng Cookie’s Peanut Butter nitong Martes ng hapon, Marso 20, hapon sa Historia Cafe, QC, kaugnay sa pagdi-dirty finger ni Juancho Triviño sa isang trending video.


Kaswal na reaction ng Pambansang Bae, “Nakita ko na po ‘yon last Sunday.

Continue reading below ↓

"Parang may nag-circulate nga po na video, na si Juancho is parang... did some bad gestures po on video.

“Sa akin naman po, wala na po ‘yon. OK na po sa akin yun.

“He apologized na po sa social media and... OK na po. Wala na po sa akin ‘yon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Hindi naman po big deal.”

NOEL FERRER: While it was cleared by Juancho na hindi naman para kay Alden ang “dirty finger,” at totoo namang hindi ito dapat big deal, let’s try to look at the other side.

There is reason for Juancho to feel down after he has manned up and said sorry for being misconstrued.

As it is, cyber bullying na rin ang ginagawa ng ibang fans sa kanya.

Hindi kaya mas matapang na statement kung pinatigil na rin ni Alden ng pag-isyu ng bad comments ang mga fans? Just asking.

GORGY RULA: Paliwanag ng isang taong malapit kay Juancho, hindi raw talaga kay Alden ang pag-dirty finger na yun ni Juancho.

Continue reading below ↓

Nagkakantiyawan daw sila ng kaibigan niyang bini-video nung isang kasama nila. Pag-dirty finger daw ang pang-asar ni Juancho.

Tamang-tama naman, napasok sila sa isang store na may poster ni Alden.

Nai-pan daw ang camera sa poster ni Alden at nagdi-dirty finger na raw si Juancho bago pa kinunan ang poster ni Alden.

Kaya hindi raw talaga para kay Alden yun kundi dun sa isang kaibigang nagkukuha ng video na kaasaran niya.

Kaya lang, ang tanong ng iba, bakit naman ipinost pa?

Saka may malisyosong tanong ding ipinarating sa amin na, wala naman daw kayang kinalaman yun kay Maine Mendoza na close friend ni Juancho?

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Alden Richards
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results