Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

KC Concepcion, nag-launch ng sariling jewelry line; paano na ang showbiz career?

by PEP Troika
Mar 21, 2018

NOEL FERRER: Ni-launch ni KC Concepcion ang kanyang jewelry line na Avec Moi by Kristina sa Manila House Private Members Club kagabi, March 20.

Kasama ng actress-TV host ang pinakamalalapit niyang pamilya at kaibigan.

Naging passion ni KC ang pagde-design ng jewelry—isang hilig na nakuha niya sa kanyang Lola Elaine at inang si Sharon Cuneta.

In attendance at malaki ang pasalamat ni KC sa kanyang stepdad na si Senator Kiko Pangilinan at ang mga kapatid nito, si Judy Ann Santos kasama ang anak niyang si Yohan na mga una sa mga sumuporta sa jewelry line ni KC, si Rajo Laurel, Angeli Pangilinan, at marami pang iba.

Women empowerment ang overriding theme ng naturang launch na itinaon namang National Women’s Month pa rin.

Hindi man nakadalo ang inang Megastar Sharon Cuneta, na may isang private party kasama ang kanyang kapatid na si Chet, his family, and a few friends, may mensahe naman ito sa kanyang anak sa kanyang social media account:

Continue reading below ↓

“KC launched her jewelry line Avec Moi by Kristina today (that’s not where I am going now). Congrats, my dearest panganay! I am so proud of you and am happy that people now have a chance to see this side of you - your other artistic talent! I love you. Very much. No one could be prouder!!! itskcconcepcion”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

GORGY RULA: Pinasok na ni KC Concepcion ang business, at eto na nga, sinubukan ang pagdi-design ng jewelry.

Continue reading below ↓

Parang nakaka-mature. Huwag sana siyang sumabay sa mga matronang mahilig sa mga alahas.

Kapag bumalik na siya sa acting, parang mahirap na siyang i-love team.

May tsika pa namang isa siya sa pinagpiliang i-partner kay Alden Richards, pero wala naman daw ganung plano ang GMA-7, sabi ng ilan sa mga nakakausap namin.

Mukhang si Janine Gutierrez na raw ang makakasama ng Pambansang Bae sa gagawin nitong drama series.

Ngayon, kung magbalik-acting si KC, maging maingat sana siya sa pagtanggap ng roles, kasi baka medyo matured na, lalo na’t medyo pabata na ngayon ang binibigyan ng mother roles.

JERRY OLEA: Pang-mother role na ba si KC?

Akala ko pa naman noon, ire-remake niya ang Dear Heart, ang pelikulang unang pinagtambalan ng kanyang mga magulang.

Parang kailan lang na nagwo-worry ang fans na baka mabuntis siya agad-agad.

Ngayon ay nag-aalala ang iba niyang tagasubaybay na baka maging mega-soltera siya.

Her body clock is ticking. She is not getting any younger.

Continue reading below ↓

Bulung-bulungan na ang yaman-yaman na ni KC sa mga pamana ng kanyang lola (Elaine Cuneta).

Lalo pa siyang magiging yayamanin sa bago niyang negosyo, huh?!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results