Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Lolit Solis, karibal sina Anne Curtis at Bela Padilla sa Korean actor na si Jo In-Sung

by PEP Troika
Mar 21, 2018

JERRY OLEA: Naghimutok si Manay Lolit Solis kina Anne Curtis at Bela Padilla bago magsimula ang presscon ng Cookie’s Peanur Butter sa Historia Cafe, QC, kahapon, March 20.

Karibal kay Jo In-sung (36-year-old South Korean actor) ang turing ng 70-year-old talent manager sa dalawang gandarang aktres.


“Diyos ko! Anong laban ko kay Anne at kay Bela?!” hanash ng tulirong talent manager.

Continue reading below ↓

“Tigilan ako? Lalaban ka ba?!

“Si Bela nga, dumating sa puntong sinabi na si Jo In-sung, kamukha ni Zanjoe Marudo.

“Hoy, Bela... BULAG!!!

“Pagkatapos, pagkita kong ganun... tsuk! Sa Instagram ni Anne, kayakap niya si Jo In-sung, saka may lips-to-lips sila.... haaaayyy!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Ang mga kalaban ko kay Jo In-sung, si Anne saka si Bela!”

Laugh ako ng laugh Salve nang makita ko iyon photoshopped photo nina Anne Curtis at Jo Insung na magkayakap sa Instagram ha. Imagine ang bata pa ni Anne , ang ganda, sikat pero di nakapasok sa presscon ni Gong Yoo sa Hongkong , at dahil sa paghanga kay Jo Insung may photoshopped na magkayakap , kalokah. Si Bela Padilla din fan ni Insung, ang gaganda at bata nila, kaya siguro nawala na ilusyon ko kay Insung, ano laban ko kila Anne at Bela noh! Kaya nga usapan namin ni Salve basta natupad dream nila Rose at Vinia na makapunta sa Seoul, last na namin iyon na punta na pinalpak at naging horror story dahil kay Gani at Imee Oro. Sana nakita nila Rose at Vinia si Lee Sung Gi, kundi lang palpak. Hay, at least , naging karibal ko kay Insung sila Anne at Bela, bongga ‘di ba 71 ako ilang taon lang sila pero nagtagpo ilusyon namin hah hah hah. #jolitnomore�??? #instatalk #lolitkulit #71NaAkoSaMay @annecurtissmith @belapadilla

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Nahibang o nahumaling si Manay Lolit kay Jo In-sung sa mga TV series na What Happened in Bali (2004) at That Winter, The Wind Blows (2013).

Nawindang din siya sa pelikula nitong Frozen Flower (2008), na kung ilarawan niya ay “ang kanyang pelikulang porno.”

Bulalas pa ni Manay Lolit kaugnay sa naturang pelikula, “Kitang-kita ko ang puwet ni Jo In-sung! Pornong-porno talaga!”


Continue reading below ↓

Ano ang naramdaman niya sa butt exposure ng kanyang idolo?

“Parang bumagets ako! Yaaaakkkkk!!! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting pang halakhak ni Manay Lolit.

NOEL FERRER: Bubuhayin ba ni Nanay Lolit ang kanyang TV talk show career at may opinyon talaga siya sa lahat ng bagay?

In fairness, she makes herself relevant!

Teka, tuloy ba ang talk show nila nina Gretchen Barretto at Ricky Lo?

Laugh ako ng laugh Salve nang makita ko iyon photoshopped photo nina Anne Curtis at Jo Insung na magkayakap sa Instagram ha. Imagine ang bata pa ni Anne , ang ganda, sikat pero di nakapasok sa presscon ni Gong Yoo sa Hongkong , at dahil sa paghanga kay Jo Insung may photoshopped na magkayakap , kalokah. Si Bela Padilla din fan ni Insung, ang gaganda at bata nila, kaya siguro nawala na ilusyon ko kay Insung, ano laban ko kila Anne at Bela noh! Kaya nga usapan namin ni Salve basta natupad dream nila Rose at Vinia na makapunta sa Seoul, last na namin iyon na punta na pinalpak at naging horror story dahil kay Gani at Imee Oro. Sana nakita nila Rose at Vinia si Lee Sung Gi, kundi lang palpak. Hay, at least , naging karibal ko kay Insung sila Anne at Bela, bongga ‘di ba 71 ako ilang taon lang sila pero nagtagpo ilusyon namin hah hah hah. #jolitnomore�??? #instatalk #lolitkulit #71NaAkoSaMay @annecurtissmith @belapadilla

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Sabi niya, kung digital lang naman, maliit ang kita dun, manghaharbat na lang siya sa mga co-host niya—mas malaki pa raw yun kaysa sa kikitain niya sa digital Talak Y Talk.

Naku, isn’t it time to do PEP Troika Talk? Soon!!!

GORGY RULA: Hindi nga raw niya seseryosohin ang show nila ni Gretchen at Kuya Ricky.

Tama ngang haharbatan na lang daw niya si Gretchen.

Kagaya ng pagkahumaling niya dati sa mga Koreanovela, hindi na raw gaya ng dati. Hindi na siya ganun kaadik kina Jo In-Sung at Song Joong Ki. 

Continue reading below ↓

Sisimulan na pala nila itong online talk show pagakatapos daw ng Holy week.

Magtatagal kaya diyan si Manay Lolit?

Mas type daw niyang mag-presscon kahit mag-gaka (gatecrash) pa siya.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results