Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Aubrey Miles at Troy Montero, binulabog ang social media dahil sa nude photos nila

by PEP Troika
Mar 21, 2018

JERRY OLEA: Binubulabog ng mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero ang social media, partikular ang Instagram, sa mga larawang hubad na pinu-post nila.

7-8 Morning Sun�??�?

A post shared by Aubrey Miles (@milesaubrey) on

Kuha ang mga iyon sa The Farm at San Benito, Lipa, Batangas, simula noong Lunes, Marso 19.

Wala man silang saplot while being sunkissed, hindi nakabuyangyang ang maseselang bahagi ng kanilang katawang lupa.

Be free @troymontero

A post shared by Aubrey Miles (@milesaubrey) on

“At 37 I have no complaints,” caption ni Aubrey sa isang nude photo niya.

At 37 I have no complaints�?�?

A post shared by Aubrey Miles (@milesaubrey) on

Comment ni Sheena Halili, “How to be you po?”

Nagpasalamat si Aubrey sa positibong feedback ng followers & friends niya sa IG.

GORGY RULA: Sinusubukan ko pa ring makausap si Aubrey para mahingan ng pahayag kaugnay dito, pero hindi siya sumasagot sa tawag at text.

Baka busy pa sa kaka-sunbathing.

Try ko uli mamya paglubog ng araw.

Sana itong pasabog na ipinost nilang asawa ay ma-convert sa magandang career.

Nabalitaan ko pa nun na isa si Aubrey sa pinagpipiliang mag-endorse sa Century Ageless campaign nila, pero napili sina Sunshine Cruz, Ina Raymundo, at Alice Dixson.

Continue reading below ↓

Sana mapansin na sila rito para bonggang project ang balik nito.

NOEL FERRER: Ilang beses kong sinusubukang tawagan ang kaibigan kong si Ynnej San Victores, ang marketing manager/director ng The Farm tungkol dito, pero hindi siya sumasagot.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi ko alam kung commissioned, or expected nila ang ganitong klaseng mga post, para mag-ingay at mapansin ang The Farm.

Kung titingnan ang posts ng mag-asawa, parang treat ito ni Troy para sa birthday ni Aubrey.

Ex-deal or barter arrangement kaya ito at ang kapalit ay ang ganung mga post?

Ito ba ang gustong projection at image ng The Farm?

Just asking.

NOEL FERRER: THIS JUST IN. Finally sumagot na ang taga The Farm at ang sabi’y birthday gift daw ni Troy kay Aubrey ang stay nila sa The Farm.

Noong una, humihingi nga ng ex-deal si Troy.

Pero for the record, ang ibinigay lang ng The Farm ay room upgrade dahil birthday nga raw ni Aubrey at marahil sinabihan na rin sila na magpu-post sila tungkol sa The Farm.

Continue reading below ↓

Ngunit ultimong GM daw ng lugar ay nagulat at nagtanong kung sino si Aubrey.

Kaya kasi pinupuntahan ang The Farm ay dahil napaka-private nito at walang mga pictures ng kung sinuman—unless yung mismong taong yun ang mag-post.

Medyo hindi nag-match ang nude photos sa imahe ng The Farm.

Pero personal accounts naman yun ng mag-asawang Troy at Aubrey, kaya sila dapat ang managot na lang.

Ngayong napansin na sila, what’s next kaya?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results