Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Former child actor Dranreb Belleza, nagpakasal muli sa kanyang misis

by PEP Troika
Mar 21, 2018

NOEL FERRER: Umaambon-ambon ngayong tag-araw nang nang ikasal muli sina Dranreb Belleza at Vale dela Riva sa isang private rites ngayong araw, March 21.

This came after almost 7 years nang magkaroon sila ng Christian wedding noong August 15, 2011.


Maganda ang love story nina Dranreb at Vale.

Continue reading below ↓

Magkababata at friends na sila since they were 12, 13 years old.

Gusto nilang ikasal muli.

Noon, beach wedding ang gusto nila, pero mukhang they settled for something simpler.


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tumayong ninong si Kim Atienza na kababata rin nila.

Kasama rin ang radio host na si Jobert Sucaldito.

Continue reading below ↓


Ang nasabi raw ng ina ni Dranreb na si Divina Valencia sa kasal ng anak: “Sa wakas!”

JERRY OLEA: Ang mensahe ni Jobert Sucaldito, “To Reb and Vale, Napaluha ako watching you exchange vows, kasi nga, kaybilis ng panahon.

“Di ko namalayang di na pala bata ang original baby kong si Dranreb Belleza! Kaloka!

Continue reading below ↓

“And knowing Vale na sobrang bait and super patient of you, wala na akong mahihiling pa kundi ang lubos na kaligayahan for the two of you.

“Labyu very much, mga anak ko. God bless your marriage till the end of time. Mwah!”

Balita namin ay nasa wedding din ang veteran actress na si Elizabeth Oropesa.

GORGY RULA: Isa rin sa mga ninang kasi si La Oro.

Kuwento sa akin ni Jobert, bale pangalawang wedding na raw nina Dranreb at Vale dahil gusto raw talaga ng dating child star na magkaroon ng civil wedding.

Akala raw nila ay biro lang ang emote ni Dranreb na gusto nyang pakasalan uli si Vale.

Yun pala, seryoso siya dun, at natuloy na nga ito kanina.

Si Quezon City Mayor Herbert Bautista pala ang nagkasal sa kanila.

NOEL FERRER. THIS JUST IN! Nag-brownout daw kaya na-delay ang wedding nina Dranreb at Vale; kaya kinailangan kumuha ng GenSet si Jojo Solomon, may-ari ng restaurant na pinagganapan ng wedding kanina.

Continue reading below ↓

Biro tuloy ng ibang guests, tila may humahadlang sa kasalan.

Sabi naman ni Dranreb, hanggang ngayon ay sinusubukan sila at tuloy pa rin ang lahat despite the challenges.

Umalis daw sina Jobert at Manny Valera na wala pa rin daw kuryente, kundi yung galing sa genset.

This made the wedding more memorable!

SA WAKAS!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, wedding
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results