Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Gabby Concepcion, pinag-aagawan ng dalawang talent managers?

by PEP Troika
Mar 22, 2018

JERRY OLEA: Sino ba talaga ang manager ni Gabby Concepcion?

Sa TV projects ni Gabby, si Popoy Caritativo ang nakikipag-negotiate.

Nakapag-reunion agad sa TV (Magpakailanman) sina Gabby at Janice de Belen, dahil si Popoy rin ang nagha-handle kay Gabby.

Pero bakit sa meeting para sa commercials, si Arnold Vegafria ang kinatawan ng aktor?

Natuloy ba ang paghaharap nina Popoy at Arnold sa PAMI (samahan ng talent managers)?


Continue reading below ↓

Ang hanash ni Manay Lolit Solis, dating manager ni Gabby, sa usaping ito, “Hay naku, at least, pinag-aagawan si Gabby... bongga, di bah!

“Issue siya ng PAMI, hindi na siya maabot... para siyang ginto, ha?!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Teka! Ano ba ang pinag-aagawan nila? Yung McDog ni Gabby?!”

GORGY RULA: Bago lumaki ang isyung ito, nakatsikahan namin ang dalawang managers pero pareho silang nakiusap na huwag nang isulat.

Lalo na’t umabot na ang usaping ito sa PAMI, ayaw na nilang magsalita dahil bawal daw.

Saka pareho silang umiiwas sa isyu. Hindi naman daw sila sanay na magpa-interview.

Pero isyu nga ito ng ethics among talent managers, lalo na’t pareho silang miyembro ng PAMI.

Ang pagkakaalam namin, si Popoy ang nagdala kay Gabby sa GMA-7 at siya ang nakapirma sa network contract nito sa Kapuso network.

Pero sa ibang projects ng aktor, puwedeng makipag-deal ang ibang managers.

Kagaya sa McDo commercial nito, ibang manager daw ang nakipag-deal, pero signatory rin daw sa kontrata si Popoy.

Continue reading below ↓

Kaya baka meron ding ibang commercials na si Arnold ang nakikipag-deal.

Kaya siguro dapat na magkausap ang dalawa para magkalinawan.

Dapat ay magharap silang dalawa.

Pero hindi yata natuloy ang pagkikita nila sa ipinatawag na meeting ng PAMI, at ayaw na nilang pag-usapan pa.

Bakit hindi na mismo si Gabby ang mag-ayos nito?

Dating friends ang dalawang managers, ngayon nasira na dahil lang sa kanya.

NOEL FERRER: Nandiyan ang manager para maging madali at maisaayos ang pag-uusap at negosasyon para matuloy ang mga proyekto na makakabuti sa talent.

Sana ganun ang mangyari kay Gabby sa pagkuha niya ng magre-represent sa kanya, na dapat ay nailinaw niya ang responsibilidad ng isa’t isa.

Sana manaig na lang ang kabutihan at goodwill at pagkakaibigan ng lahat para malagpasan ang isyung ito.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results