Baron Geisler, totohanan na ba ang pagpapa-rehab?

by PEP Troika
Mar 22, 2018

JERRY OLEA: Miyerkules, Marso 21, lumutang ang fake news na patay na si Baron Geisler, kaya matatahimik na raw ang kanyang pamilya.

Ewan kung ito ang lowest point sa buhay niya, o turning point at hudyat para magbago siya at bumangon.

Kaalitan ni Baron ang kanyang mga kadugo at kapamilya.

Wala nang ibang tutulong sa kanya.


Continue reading below ↓

Marso 22, Huwebes ng hapon, inihayag ni Baron sa Facebook, “I am going into rehab, and take this very seriously this time.

“I am sorry to all whom I've hurt or offended.

“I will be better, and I will see you all again and work with you, when I am ready.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Pag-ibig”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Buti na lang, si Baron na mismo ang umaming kailangan niyang magseryoso sa pagpapa-rehab.

Kasi, alam natin na walang kahihinatnan ang denial stage na unang hinaharap ng ganyang may addiction at issues.

Dapat ay umayos na si Baron para makabalik na siya sa pag arte ulit, kung saan kinikilala ang galing niya.

Sa Sabado, March 24, isa ring personalidad na tulad ni Baron ang ating makakapanayam
sa ating radio show na Level Up Showbiz Saturdate sa Radyo Inquirer.

Isa ring mahusay na aktor na naakusahan din sa isang kontrobersiyal na issue.

Tulad ni Baron, sana maging maayos na rin ang buhay ng aktor na ito dahil sayang talaga ang talent niya!

GORGY RULA: Pawang positibong komento ang natanggap ni Baron sa post niyang yun sa kanyang Facebook account.

Isa rito si Teresa Loyzaga, na pumuri sa kanya at nagbigay ng inspirational message na sana magkatrabaho sila pagkalabas nito ng rehab.

Continue reading below ↓

Sabi ng aktres, “Good on you Baron! It takes guts to admit, apologize and to want to change! Good luck and hope to worj with u in the future.”

Sinagot naman siya ni Baron: “Yes Tita. Hopefully for the best. Love u.”

Sinubukan kong tawagan at i-text din ang aktor, pero hindi siya sumasagot.

Meron pa kasi siyang ipinost na nag-iwan siya ng 43 paintings niya sa Museo Ning Angeles sa Angeles City, Pampanga, para sa Culture and Arts Council of Angeles City.

Ipinakita ang mga nagawa niyang paintings na maaring i-exhibit sa naturang museum.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
pep troika, Baron Geisler
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results