Vince Rillon, ang next Coco Martin?

Mar 24, 2018

JERRY OLEA: Bidang-bida ang baguhang aktor na si Vince Rillon sa AMO, ang 12-part TV series ni Direk Brillante Mendoza na mapapanood simula Abril 9 sa Netflix.


Ayon sa isang insider, sa cast ng nasabing TV series ay si Vince ang may pinakamalaking exposure bilang high school student na nagbebenta ng shabu.

Continue reading below ↓

Mas malaki ang exposure dito ni Vince kesa kina Derek Ramsay at Allen Dizon, na parehong pulis ang karakter sa AMO.

Tampok si Vince sa isa pang pelikula ni Direk Brillante, kung saan game ito sa hubaran.

Pakiwari tuloy namin, sumusunod si Vince sa mga yapak ni Coco Martin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hinubog ni Direk Brillante ang husay ni Coco sa mga pelikulang Kinatay at Serbis na lumaban sa Cannes filmfest.

Patuloy ang pamamayagpag ng teleserye ni Coco na FPJ’s Ang Probinsyano, kaya wala itong oras para makatrabaho muli si Direk Brillante.

Hanggang Disyembre ng taong ito ay puno na ang schedule ni Coco, sa pagkakaalam ng premyadong direktor.

Kasama si Vince sa top-rating teleserye ni Coco, huh?!

NOEL FERRER: Saan nanggaling si Vince?

Sana mahubog at mahasa pa si Vince para makagawa siya ng sariling pangalan tulad ng mga nauna sa kanyang alaga ni Direk Dante.

GORGY RULA: Kung ang tingin nila magiging another Coco Martin si Vince, ewan ko lang.

Continue reading below ↓

Una, hindi naman sumikat si Coco sa mga pelikulang ginawa niya kay Direk Brillante. Nahasa lang siya bilang magaling na aktor.

ABS-CBN ang nagpasikat kay Coco.

Magkakaroon kaya ng interes ang Kapamilya network kay Vince?

Try kong tanungin si Sir Deo Endrinal. Try ko lang, ha?

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results