Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ai-Ai delas Alas kaiinisan nang bongga sa upcoming film School Service

by PEP Troika
Mar 25, 2018

JERRY OLEA: Last week of April nakatakdang magsimula ang principal photography ng Cinemalaya 2018 entry ni Direk Louie Ignacio na School Service.

“Hinihintay lang naming magbakasyon ang mga bata,” sabi ni Direk Louie nang mainterbyu namin sa presscon ng Almost A Love Story recently sa Marco Polo Ortigas.

“Tapos, imi-meet ko na lahat ng major stars ko—si Ai-Ai [de las Alas], si Joel Lamangan, Therese Malvar, Kristoffer Martin, si Ken-ken, at saka yung anak ni Allen Dizon, yung youngest.”

Sino ang pinakabida sa istorya?

“Si Ai-Ai saka yung batang si Ken-ken. Sa sindikato sila,” sambit ng premyadong direktor.

“Kabubuwisitan mo dito, gagalitin ka ni Ai-Ai dito. Kasi, sobrang salbahe niya... as in!

“Pero abangan niyo na lang yung ending. Hindi siya typical ending ng isang film, ng Filipino film or ano.

“Mali. Maling-mali yung ending!

“Yung mga bata dito, kawawa, pero wild. Wild ‘yung mga bagets.

“Si Tere Malvar, kakaiba siya rito. Even the language. Yung gano’n.

Continue reading below ↓

“Si Kristoffer Martin, kakaibang role din dito. Hindi siya teeny-bopper.

“Ensemble ito ng magagaling na actors and actresses sa cinema. Sobrang excited ako!”

Ang istorya ng School Service ay base sa isang report ng newscast na 24 Oras sa GMA 7.

Paliwanag pa ni Direk Louie, “Tungkol ito sa mga batang hamog, yung nagbabasag ng salamin. So, may pagka-docu-drama.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Yung coverage ng film ko is ano, parang docu. Parang nanonood ka ng news.

“Matagal ko nang materyal ito, hindi ko lang nasa-submit. Actually, kami yung naka-capture sa mga bata.

“Pag dumadaan sa UP Town Center, kami yung tumitili do’n, ‘Aaayyy!!! Ayaaan na silaaa!!! Ayaaaan na ang mga bataaaa!’”


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Naaliw ako kay direk Louie dahil kinuwento niya sa akin ang kuwento nitong Cinemalaya movie ni Ai-Ai. Sinimulan niya sa ending ang kuwento sa akin.

Kung ma-achieve ni direk Louie ang ending nun, bongga yan!

Sana dito matupad ni Ai-Ai ang inaasam niyang Balanghai trophy mula sa Cinemalaya, at kung susuwertehin pa, pati ang Urian trophy mula sa Manunuri.

Hindi kaya kakabugin silang lahat ni direk Joel Lamangan? Alam niyo naman kahit isang eksena lang si direk Joel, nangangain ng kaeksena 'yan!

NOEL FERRER: Masaya ako every time umaarte si Direk Joel dahil napakahusay niya talaga.

Oo nga, nang gawin ni Ai-Ai ang mga indie films, hindi pa siya talaga pinapalad manalo ng mga awards dito sa ating bansa. Ganun yata talaga, mas kinikilala pa ang galing ng ibang artistang Pinoy sa ibang bansa kaysa rito mismo.

Oh well, buti naman at hindi pa rin nagsasawa si Ai-Ai na sumuporta sa mga independent films. Sana’y magawa ni Ai-Ai na tumawid ang indie film niya sa mas malaking market—na hindi sa karaniwang tayo-tayo-lang crowd.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results