May portal nga bang nagbubukas sa Quezon at Siquijor tuwing Biyernes Santo?

by PEP Troika
Mar 25, 2018

JERRY OLEA: Pamahiin o paniniwala ng mga Pinoy na kapag Biyernes Santo (mula 3:00 p.m.) at Black Saturday na patay si Hesus, may kakaibang lakas ang mga maligno at impakto.

Sa mga panahong iyon din daw nakakakuha ng mga anting-anting o agimat?

Ang pananaw rito ng psychic questor na si Nick Nañgit, “May mga portal o lagusan ng enerhiya na mas bukas, gaya ng Brgy. San Antonio sa Siquijor, Siquijor at Mt. Banahaw sa Quezon province, kung saan nagpupunta ang mga mananambal, manggagamot, herbolaryo, albularyo, at iba pang espirista at psychic upang mag-recharge ng kanilang mga gamit at implements o kaya ay upang kumuha ng mga sangkap na gagamitin nila sa panggagamot.

“Positibo ang enerhiya sa mga portal na iyan.

“Sa kabilang dako ay nagkakaroon din ng pagkakataon ang mga mambabarang at mangkukulam na humugot ng negatibong sangkap na gagamitin nila sa pananakit o paghihiganti, dahil nga lagusan ang portals at puwedeng manghikayat o magtawag ang mga ito ng mga negatibong entities (hindi elementals) o mga alagad ng kadiliman.

Continue reading below ↓

“Ang mga agimat, anting-anting, at iba pang gamit na pamproteksiyon ay nahihingi rin sa elementals."


Pero wala raw panahong pinipili ang mga ito.

“Ang mga maligno at impakto ay malakas kahit anong oras o panahon. Eksaherado lang yung mga naipapakita sa pelikula, at guni-guni lang ng mga manunulat na nagsasabing mas malakas sila pag patay raw si Kristo.

Continue reading below ↓

“Hindi po ito totoo, dahil nangingibabaw pa rin ang kabutihan at liwanag kahit ano pang oras o panahon."

Iba raw ang rason kung bakit may mga nagaganap sa aksidente sa Biyernes Santo.

“Ang mga aksidente na nagaganap tuwing Biyernes Santo ay hindi dahil sa paniniwala sa relihiyong Kristiyano (na ginagamit lang ng simbahan noong sinaunang panahon para manakot at makahikayat ng mga sasampalataya) kundi dahil sa Mercury Retrograde o ang panahon kung saan apektado ang transportasyon at komunikasyon.”

Ano ang mananambal?

“Nanggagamot ng mga kulam,” sabi ni Nick.

Ano ang pagkakaiba ng herbolaryo at albularyo?

“Herbs lamang ang ginagamit ng mga herbolaryo. Ang mga albularyo, gumagamit ng mga kandila, asin, palaspas, buntot pagi at iba pa.”

NOEL FERRER: Hindi talaga ako mapaniwala sa mga ganitong mga pamahiin. Pero there’s no point naman para hindi natin respetuhin ang ganitong mga kakayahan at pamamaraan para mas maintindihan natin ang mga elemento at ispiritu na mismong siyensya ay walang kasagutan.

Continue reading below ↓

Sa mga artista natin, nandiyan na si Elizabeth Oropesa na involved sa ganito at sa panggagamot.

Sino pa kaya? Si Judiel kaya, na minsan ding pumukaw sa kamalayan natin sa showbiz, nasaan na kaya siya?

Malakas ba ang mga powers nila kapag ganitong Mahal na Araw?

GORGY RULA: Hindi talaga maiwasang naku-commercialize na ang ganitong paniniwala na patuloy na pina-practice.

Kagaya sa Siquijor na lalo pang dinarayo. Ang maganda lang, hindi na iyung mga lugar na pinupuntahan ng mga esperitista, psychic, at kung anu-ano pa, kundi ang mga tourist destinations doon.

Hindi mo katatakutan ang naturang lalawigan kundi mamamangha ka sa ganda ng lugar.

Ang dinig ko, doon sa Siquijor balak na manirahan ng mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Kuwento ni Jean Garcia, may nabiling lupa raw doon ang mag-asawa dahil balak nilang mag-organic farming.

Hindi ko pa alam kung kailan nila ito sisimulan, pero gusto na raw nila ng simpleng buhay sa pagsasaka.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
pep troika, Holy Week
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results