Cogie Domingo, ready na muling sumabak sa showbiz?

by PEP Troika
Mar 25, 2018

JERRY OLEA: Maligaya si Cogie Domingo sa piling ng asawang si Ria Sacasas.

Nitong Marso 11 ay nagdiwang sila ng 2nd wedding anniversary.

Itinuturing ni Cogie na sariling anak ang five-year-old daughter ni Ria sa nauna nitong karelasyon.

Aminado si Cogie na may pinagdadaanan pa rin sila ng kanyang asawa.

“Nung nakilala ko siya, na-feel ko na there’s something different. Kasi nag-iba ako,” nakangiting sambit ng 32-anyos na aktor nang mag-guest sa Level Up: Saturdate program ni Noel Ferrer nitong Sabado, Marso 24, sa Radio Inquirer.

Dagdag ni Cogie, “She makes me happy. Kahit noong unang sultada namin, nag-jibe agad. Parang masasabi mo na soulmate.”

Eleven years old si Cogie nang unang ma-in love.

Sa mga pinagdaanan niya sa pakikipagrelasyon, ano ang natutunan niya?

Seryosong lahad ni Cogie, “Huwag mong ibibigay lahat, lalo na pag nagmamahal ka.

"Pag ibinigay mo lahat kasi, pag nasaktan ka, masasaktan ka talaga.”

Nasaktan nang todo si Cogie sa kanyang first love, isang young actress.

Continue reading below ↓

“Iyon ang unang sakit. Iba yung unang pagmamahal sa tunay na pagmamahal,” pag-amin ni Cogie.

“Lumigaya naman ako, pero nasaktan din ako.

"Siya ang nagturo sa akin lahat ng ano.

"Hindi kinaya ng powers ko yung kalaban ko sa kanya!”

Maraming lessons na natutunan si Cogie sa nasabing young actress.

May asawa na ang kanyang first love, ganun din ang second love niyang aktres din na sikat na sikat hanggang ngayon.

“Iyong second, hindi na masyadong masakit. Kasi, may first na,” pakli ni Cogie.

Tinawanan na nga lang ni Cogie na “kasabay” niya ang dalawa pang young actor nang makarelasyon ang ikalawang aktres na nagdulot ng kirot sa kanyang puso.

Hindi na nagkuwento si Cogie sa ikatlong heartache niya.

Ang sabi noon ni Keanna Reeves, dakilang aktor si Cogie.

Natatawang reaksyon ng aktor, “I’ll just say thank you na lang!”


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Kakaibang Cogie ang tumambad sa amin kagabi: maayos ang disposisyon, makisig, matikas at maayos ang pananalita.

At dahil nga life lessons ang pinag-usapan, (karamihan sa mga lessons na yun, he learned the hard way), heto ang mga nasabi ni Cogie: “Choose your friends wisely. Finish your studies. Seek guidance from elders. Value your family. And don’t do drugs, it’ll just bring you trouble!”

Gustong bumalik ni Cogie sa pagiging aktor ulit.

At gusto niyang ipakita that he has changed—for the best! And he’s out there to prove it!

GORGY RULA: Hindi lang ako updated sa buhay ni Cogie Domingo.

Kasi nakita ko dati ang unang anak niya sa dating nakarelasyon bago itong kasalukuyang asawa.

Pagkaganda-gandang bata, na ang pagkakaalam ko, ibinilin niya ito sa isang malapit na kaibigan.

Ewan ko lang kung sa kanya na ito uli. Kasi inako niyang tunay na anak ang unang anak ng asawa niya ngayon, sana mabigyan din niya ng tamang atensyon ang una niyang anak.

Continue reading below ↓

Pero dapat nang bumalik sa pag-aartista si Cogie dahil magaling naman siyang artista.

Binigyan na 'yan noon ng isang pagkakataon pero bumalik sa dating bisyo at nahuli pa nga. Sana natuto na siya talaga, at tuluy-tuloy na itong pagbabago niya.

Huwag sana siya mag-ala Baron Geisler na ipapasok na naman uli sa rehab.

Ma-handle sana si Cogie nang maayos ng matiyagang manager na may panahong tumutok sa kanya.

Read Next
Read More Stories About
Cogie Domingo, pep troika
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results