Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Solenn Heussaff at Benjamin Alves, walang kiyeme sa maseselang eksena

by PEP Troika
Mar 26, 2018

JERRY OLEA: Excited ang actor-producer na si RS Francisco sa iprinodyus niyang horror movie para sa kanyang kumpanya na Frontrow.

Kuwento ito kung paano nagkaroon ng unang manananggal (Solenn Heussaff), na umibig sa isang tao (Benjamin Alves).


May tatlong shooting days pa na kukunan ang direktor ng pelikula na si Adolf Alix Jr.

Continue reading below ↓

“Ibang klase ang gore at tema nito!” bulalas ni RS nitong Palm Sunday, Marso 25, sa Ai Sarap Express nang makausap namin sa contract signing ng Ex Battalion sa Frontrow.

Walang kiyeme sina Solenn at Benjamin sa hubaran.

Pwetmalu!

“Grabe yung eksenang buntis si Solenn. Matindi!” sambit pa ni RS.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“May eksenang nagbabayis si Benjamin, tapos, nakita ni Solenn!”

Nag-PM kami afterwards kay Direk Adolf at kinumusta ang pakikipagtrabaho kina Solenn at Benjamin, lalo pa’t may maseselang eksena sa pelikula.

Lahad ni Direk Adolf, “Revelation po si Solenn. She will surprise everyone with her performance.

“She understands the role kaya wala pong problema.

"She is also in the company of great actors: Elizabeth Oropesa, Gina Alajar, Menggie Cobarrubias, Alan Paule, Rosanna Roces, Mercedes Cabral, among others.

“Sila naman po ni Benjamin ay professional when it comes to doing those sensitive yet crucial scenes.”

NOEL FERRER: Ok naman talaga si Solenn!

Continue reading below ↓

Remember when she did Tyanak with Judy Ann Santos, directed by our dear Peque Gallaga and Lore Reyes, pinuri-puri siya ni Juday kasi wala siyang kiyeme kung anuman ang ipagawa sa kanya.

Kesehodang pagulung-gulungin siya sa putik, kahit pag-tumbling-tumblingin, kinakaya ni Solenn nang walang reklamo.

Kung magandang horror ito, baka puwede nilang i-consider na isali sa Metro Manila Film Festival kung saan patok talaga ang horror.

Malay mo lang, di ba?

GORGY RULA: Sana mahaba ang pisi ng film production ni RS.

Kasi mukha namang hindi siya nakabawi sa Boy Intsik niya.

Ewan ko lang dito sa movie niya kay Solnen at Benjamin.

Sana mabigyan ng magandang playdate. Unless, ipa distribute niya ito sa malakas na producer.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results