Pinoys sa Miss Saigon UK Tour, nagkita-kita na sa Manchester

by PEP Troika
Mar 26, 2018

NOEL FERRER: At nakarating na nga sa Manchester, England ang mga bagong Pinoy na kasali sa Miss Saigon UK tour na sina Aicelle Santos, Joaquin Valdes, at Gerald Santos.


Ang kuwento ni Joaquin sa PEP Troika, “We have 3 days to ourselves. Monday 26th is the official start of our work.

Continue reading below ↓

"Long day of opening bank accounts, fixing documents and start of rehearsals.

"We meet the rest of the new cast and get to watch the show.

We have a gathering last Sunday with the Pinoys in the cast. Masaya ito.”

Balitang sumubok magluto si Aicelle ng adobo at successful daw ito, sabi ng mga kasamahan niya roon pati na kanyang ka-Pinoy Pop Superstar na si Gerald Santos.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tinanong ko sila kung makikita nila si Shin (Rachelle Ann Go) sa Hamilton.

Sabi ni Joaquin, “We’ll see about Shin; she is in London which is 2 hours away by train.

"Sana nga magkita kami bago siya umuwi ng Pilipinas for her wedding. Hahaha!"

GORGY RULA: Nakakatuwa! Ang dami dami nang Pinoy performers sa UK at mukhang madadagdagan pa 'yan.

Pati nga ang ilang stage actors na hindi kilala rito, namamayagpag doon.

Kagaya ni Red Concepcion, matatalbugan na yata ang kapatid niyang si Sam.

Continue reading below ↓

Teka, ano na ba pinagkakaabalahan ni Sam Concepcion ngayon?

May ilang Pinoy naman daw doon sa UK na nagtatanong kung kailan daw makakasali roon si Mark Bautista.

JERRY OLEA: At least, tuluy-tuloy ang career ni Gerald Santos sa abroad.

Maging si Red Concepcion, na kapatid ni Sam Concepcion, mas bongga sa ibang bansa.

Mabuhay ang mga world-class Pinoy artists!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results