Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ogie Diaz, may tips sa mga gustong mag-artista; Kris Aquino, nasa Cornerstone na

by PEP Troika
Mar 26, 2018

JERRY OLEA: Tip ni Ogie Diaz sa mga gustong mag-artista: “Paayos muna ang ngipin o sana walang braces pag nag-go see para hindi sayang ang pagod.”

Sa mga maggo-go see: “Sana, walang pimples, walang eyebags para maaliwalas ang dating ninyo.”

Sa mga artistang tamad umarte o may work attitude: “Magpahinga na.”


Continue reading below ↓

Marami nang natutuhan si Ogie sa showbiz at pag-aartista, kaya makabuluhan ang kanyang mga tip, pati na ang Ogie Diaz Acting Workshop.

TV acting ang itinuturo dito—Basic at Advance.

Ang acting workshop ay para sa kids (7-12 y/o) at teens/adults (13-40 y/o).

Kabilang sa coaches sina Candy Pangilinan (teens and kids), Lester Llansang (teens), Beverly Salviejo (teens, and also coach for master class), Aiko Melendez, at Ron Morales.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nagtuturo rin si Ogie, “Kaso, medyo busy ako ngayon sa The Blood Sisters. Normally, Saturday and Sundays lang ang workshops namin.

“T-Th-S ang taping ng The Blood Sisters.”

Laging sinasabi ni Ogie sa workshoppers, “Pag nakitaan ko kayo ng potential, you don’t have to apply as talent under OgieD Productions, Inc.

“Ako mismo ang mag-a-apply na mag-handle sa ‘yo pag naramdaman kong may potential ka.”

Produkto ng pa-workshop ni Ogie sina Ysabel Ortega at Heaven Peralejo, na mina-manage na niya.

Of course, si Ogie pa rin ang manager ni Liza Soberano.

Continue reading below ↓

“Nasa stable ko rin ngayon sina Jobert Austria (na nasa FPJ’s Ang Probinsiyano na, aside from Home Sweetie Home at Banana Sundae), Ron Morales, Paolo Serrano, Daisy Reyes & Jenny Miller (with coordination kay Ate Lolit Solis), Hashtag Kid, Lee O’Brian (husband ni Pokwang), and the rest are class A Talents. Accredited Talent supplier din kasi kami sa ABS-CBN,” ani Ogie.

Sa mga gustong lumahok sa Ogie Diaz Acting Workshop, mag-PM kay Ellen Pandaan Datiles o mag-email sa ellendatiles@yahoo.com

NOEL FERRER: Mayroon ding ganyang effort ang grupo ng Cornerstone na si Erickson Raymundo.

Workshops based on age brackets handled by their resident directors Joyce Bernal, Irene Villamor, and a lot more with talks by their actors Julia Montes, Alesandra da Rossi, at marami pang iba.

Maganda itong effort na ito lalo pa’t magiging kapaki-pakinabang ang summer ng mga gusto mag-showbiz.

Kaugnay nito, nasa pangangalaga na ng Cornerstone ni Erickson Raymundo (along with the managing director of the KCA Team) si Kris Aquino.

Continue reading below ↓


May this help Kris negotiate her film projects and who knows, pati TV projects na rin in the future, with the help of Erickson’s group.

Well, from Tito Boy Abunda, nakipag-partner si Kris kay Mr. Tuviera (APT), then sa ALV, then may mga pag-uusap din kay Willie Revillame.

Continue reading below ↓

Now, she is with Cornerstone and we can only wish her all the best.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results