Sarah Geronimo, walang kasamang magulang sa birthday party ni Matteo Guidicelli

by PEP Troika
Mar 27, 2018

NOEL FERRER: Officially, 28 years old na si Gianmatteo Fernan Guidicelli ngayon!

May salu-salo ang mga kaaanak at kaibigan sa kanyang GIANNI Italian resto sa Alabang Westgate kagabi, March 26.


Ilan sa mga namataang nakipagdiwang kasama ni Matteo ay sina Randy at Rowell Santiago, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Cherie Gil, Louie Ocampo, Julia Barretto, at ang kasintahan siyempre ng actor-singer na si Sarah Geronimo.

Continue reading below ↓


Continue reading below ↓
Recommended Videos


Continue reading below ↓

Walang kasamang magulang si Sarah nang dumalo ng selebrasyon.

Our Popstar has finally come to her own at talagang pinangangatawanan at ipinagmamalaki ang pagmamahal niya kay Matteo.


Konting hakbang na lang sana ang hihintayin natin bago lumagay sa tahimik ang magkasintahang ito.

Nakaka-inspire at good vibes lang talagang tingnan kung paano naipaglalaban nina Matteo at Sarah ang kanilang pagmamahal—against all odds.

Continue reading below ↓

Basta, maligayang bati Matt!!!

JERRY OLEA: Sarah + Matteo ... The Look of Love.

Kapwa nasa edad na sila para bumuo ng pamilya.

Labis ang ating ligaya para sa kanilang “forever is not enough”!!!

GORGY RULA: Deadma na kay Sarah ang pagpatol ni Matteo sa isang basher na nag-comment sa post niyang may binubuhat na girl.

Hindi na isyu iyun sa magkasintahan. Kaya in-enjoy na nila ngayon ang birthday party.

Sabi noon Matteo, sana makapag-asawa na siya bago magtuntong ng 30.

Marrying age na rin siguro sa kanya ang 28. Kaya, kasalan na kaya ang kasunod?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results