Fanny Serrano, kontra sa penitensiya at pagpapako sa krus tuwing Semana Santa

by PEP Troika
Mar 27, 2018

JERRY OLEA: “Ang Semana Santa ay isang tradisyon ng mga Katoliko bilang paggunita sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.”

Pasakalye iyan ng Born-Again Christian na si Fanny Serrano nang pakiusapan naming ibahagi ang kanyang insights sa observance ng Holy Week ng mga Pinoy.


Pagpapatuloy ni TF (term of endearment kay Tita Fanny), “Maganda sana kung sa paggunitang ito ay talagang makilala ng tao si Kristo at magbigay sa kanya ng kaligtasan at pagbabago ng kanyang buhay, na siyang tunay na layunin ng kamatayan ni Kristo.

Continue reading below ↓

“Ngayon, kung hindi ito maganap sa isang tao, e, ano ang silbi ng Semana Santa?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Dapat, naka-focus lamang ang Semana Santa sa mensahe ng kamatayan at pagkabuhay na muli ni Kristo Hesus.

“Hindi ito dapat mahaluan ng iba pang tradisyon na ipinasa sa atin, tulad ng mga pabasa, Visita Iglesia, prusisyon, palaspas, at ang pagpapako ng iba sa krus.

“Simple lamang po ang kautusan ng Panginoon sa John 1:12. Ang sinumang nagsitanggap kay Kristo ay pinagkalooban na Niya na maging anak ng Diyos.”

Kontra si TF sa panata na pagpapapako sa krus.

Paliwanag niya, “Iisa lang po ang iniutos ng Panginoon sa Bibliya sa paggunita ng kanyang kamatayan.

“Ito'y makikita sa 1COR 11:23-30. May nakasaad sa passage na ito, ‘FOR AS OFTEN AS YOU EAT THIS BREAD AND THIS DRINK THIS CUP, YOU PROCLAIM THE LORD'S DEATH UNTIL HE COMES.’

“Ito'y pagbibigay ng katiyakan na tayo'y ligtas na, at katiyakan na Siya'y muling babalik para tayo sunduin.

Continue reading below ↓

“Kaya po ginagawa natin ang communion every month.

“Base rito, hindi kailangan ang panata na ikaw ay magpapako sa krus. Kung tutuusin, ito'y malaking insulto sa Diyos.

“Ibig sabihin nito ay wala kang paniniwala sa ginawa ni Kristo kaya inuulit mong magpapako pa sa krus.”

Dagdag ni TF, “Penitensiya ang kaugalian ng ilang Katoliko bilang pagsisisi sa kanilang kasalanan.

“This is not sanctioned by the Catholic Church, pero pinababayaan nilang gawin ng mga miyembro nila.

“They need not do this. Pls read 1 John 1:9.”

NOEL FERRER: Kahit ang Department of Health ay hindi rin nire-recommend ang flagellation at ang pagpapapako sa krus bilang penitensya dahil sa health concerns dito.

Katulad nga ng sinabi ni Tita Fanny, I’m sure maraming ibang paraan para ipakita ang spiritual renewal.

Sana’y mahanap natin yun na magpapatalika ng ating puso at kaluluwa.

GORGY RULA: Dinadayo at naging tourist attraction na ang taunang pagpapapako sa krus.

Continue reading below ↓

Kaya kahit kinukontra na nga ito sa simbahan, wala na tayong magagawa.

Mahirap nang baliin ang tradisyon, lalo na’t na-commercialize na ito.

May kanya-kanya tayong paraan kung paano natin maipahayag ang ating faith sa Panginoon.

May kanya-kanya tayong paraan nang pakikipagkomunikasyon sa Kanya.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results