Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Lotlot at Monching, nagkasamang muli para sa kanilang anak

by PEP Troika
Mar 28, 2018

NOEL FERRER: Higit sa sarili, lampas sa personal na issue, kung para sa anak, magsasama sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.

Katulad na lamang sa nangyaring graduation ng kanilang bunsong anak na si Maxine kahapon, March 27.

Sa post ni Lotlot, nakita ang malawak niyang pang unawa at pagka-move on nila sa sitwasyon ng dating asawa. Pati nga bagong karelasyon niya, pinasalamatan niya sa pag-iintindi sa bigger picture.

Ang sabi ni Lotlot, “It’s never about us... but always about our children.

"We have gone through way too much pain, arguments and misunderstandings.

"It wasn’t easy but we both have learned that for the sake of our children our PRIDES should always be set aside.

"Never namin pinagkait ang mga anak namin sa isa’t isa.

"Pagdating sa mga bata it was always a mutual decision. We are parents first. Respect.

"That is why sa mga ganitong pagkakataon, nagpapasalamat ako sa Diyos na ginabayan niya kame and I’m thankful that our children are where they’re supposed to be.

Continue reading below ↓

"I’m also very grateful to Fadi, the person who God have blessed me to be with for being so loving and supportive. Salamat, Mahal!

"Anak ko, Maxine, we love you anak and again we are very proud of you!"

Continue reading below ↓
Recommended Videos

It’s never about us..but always about our children. We have gone through way too much pain, arguments and misunderstandings. It wasn’t easy but we both have learned that for the sake of our children our PRIDES should always be set aside. Never namin pinagkait ang mga anak namin sa isa’t isa. Pagdating sa mga bata it was always a mutual decision. We are parents first. Respect. That is why sa mga ganitong pagkakataon nagpapasalamat ako sa dios na ginabayan nya kame and I’m thankful that our children are where they’re supposed to be. I’m also very grateful to Fadi the person who God have blessed me to be with for being so loving and supportive. Salamat, Mahal! Anak ko Maxine, we love you anak and again we are very proud of you! �?��?

A post shared by Balotski �??�?�???�??� (@ms.lotlotdeleon) on

GORGY RULA: Nakabinbin ngayon ang pag-uusap sa Kongreso na ma-legalize na ang divorce dito sa atin.

Kung maisasabatas ito, maaaring makatulong ito sa modernong set-up sa mga estranged couple, kagaya nina Lotlot at Monching.

Kung annulled na sana sila, magiging magaan na siguro sa kanila lahat dahil puwede naman silang ma-in love at pumasok sa panibagong relasyon.

Nakasanayan na ito ng kanilang mga anak, at ganun din naman sa iba na nasa ganung sitwasyon.

Ganyan din sina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson, at okay na rin daw ngayon sina Sunshine Dizon at Timothy Tan.

Hopefully, ganun na rin sina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Mas mabuting manaig ang positivity, huwag pabigatin ang mga sitwasyon, lalo na sa kanilang mga anak na hangad pa rin ang buong pamilya.

Continue reading below ↓

Congratulations kina Monching at Lotlot sa graduation ni Maxine.

Dagdag na achievement sa kanilang dalawa bilang magulang.

JERRY OLEA: Noon ko pa nasabi, nagkahiwalay man ang mag-asawa o magkarelasyon ay hindi basta-basta mawawala ang bigkis ng kanilang ugnayan kung may anak sila.

Napaghihilom ng panahon ang sugat sa kanilang puso.

Naisasantabi ang kirot, alang-alang sa bunga ng kanilang pagmamahalan.

Nawa’y dumating ang panahon na maging mabuting magkaibigan din sina Lotlot at Monching!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results