Iza Calzado, isasabay na ang pagpaplano sa kasal sa shooting niya sa UK

by PEP Troika
Mar 28, 2018

GORGY RULA: Ang bongga ng first shooting day ni Iza Calzado sa Cinemalaya entry niyang Sa Pagitan ng Dito at Doon; sa Bournemouth sa United Kingdom ang location!


Si Direk Perci Intalan ang nagdirek ng pelikulang ito na kuwento tungkol sa love story ng isang lesbian.

Continue reading below ↓

Panibagong challenge na naman ito kay Iza na gaganap bilang isang tibo.

Bakit kaya sa napakalayong countryside ng UK ang location ng shooting?

Ang pagkakaalam ko kasi, doon sa Sandbanks na itinuturing na millionaire’s playground sa Poole sa UK nakatira ang pamilya ng fiancé ni Iza na si Ben Wintle.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi kaya meron silang ginawa roon bilang preparation sa kanilang kasal?

Maganda roon mag-prenup pictorial. Kaya puwedeng meron pa silang ginawa roon bukod sa shooting ng pelikula nila ni Direk Perci Intalan.

Ano nga ba, Sir Noel?

NOEL FERRER: Tumpak, family gathering at pagpaplano sa wedding ang magaganap kina Iza at Ben sabay pasyal sa napakagandang UK.

In fact, gusto sana nilang mapanood si Rachelle Ann Go sa Hamilton, pero all seats taken na at hindi na mag-swak ang mga sked nila sa napaka-in demand na musical.

Tomboy na nanay ang role ni Izadora sa pelikulang ito ng Idea First Company.

Continue reading below ↓

Ito rin ang pagbabalik niya sa Cinemalaya pagkatapos ng kanyang best actress at best supporting actress awarda with the Mumunting Lihim girls na sina Judy Ann Santos, Agot Isidro, at Janice de Belen.

Sana nga’y tangkilikin ito ng audience lalo pa’t mga premyadong aktor ang makakasama niya rito.

At isang direktor na hindi tayo binibigo sa kanyang mga ginagawang obra—si Perci Intalan, na pagkatapos mag-Dementia with Nora Aunor, My Fairy Tail Love Story kasama ang ElNella loveteam, at ngayon ito ngang Sa Pagitan Ng Dito at Doon.

JERRY OLEA: Maliban sa pagiging bida ng pelikulang Sa Pagitan ng Dito at Doon, camera assistant din siya ni Mackie Galvez sa Bournemouth Unit.

“Not just a great actress but also such a team player!” sabi ni Direk Perci Intalan.

Wish ko lang na tangkilikin ng mga Pinoy ang proyektong ito tungkol sa pompyangan.

Matamlay kasi ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga ganitong istorya.

Continue reading below ↓

Maraming gay movies ang patok sa takilya. Nakakaaliw.

Pero pag tungkol sa mga tibash, lagi na lang nakakalungkot ang kinahihinatnan.

Sa TV, patok na patok ang My Husband’s Lover. Mainit.

Samantalang yung The Rich Man’s Daughter, neither here nor there ang peg. Frozen?

More and more ang mga kabadingan sa pelikula.

Ang mga tibo, paminsan-minsan na nga lang dinadalirot, pahirapan pang pumasa sa panlasa ng masa.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results