Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Mga simbahang puwedeng puntahan para sa Visita Iglesia

by PEP Troika
Mar 28, 2018

JERRY OLEA: Ngayong Semana Santa, pagnilayan natin ang Siete Palabras.

At para sa mga magbi-Visita Iglesia, heto ang pitong simbahan na malapit-lapit sa Kamaynilaan.

Alinman dito ay maaari ninyong dayuhin.

#1 KAMAY NI HESUS Shrine sa Lucban, Quezon. Ang Stations of the Cross ay nasa burol. Milyun-milyon ang pumupunta rito. Pila-pila ang mga tao.


Continue reading below ↓

Kamay Ni Hesus

#2 ST. PETER OF ALCANTARA Parish sa Pakil, Laguna. Dito nagtu-Turumba. Nag-taping dito ang teleseryeng Juan de la Cruz ni Coco Martin. Nag-shooting dito ang MMFF 2017 entry niyang Ang Panday.

#3 PADRE PIO Shrine sa Santo Tomas, Batangas. Bongga ang mga poon at kapilya rito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

#4 SANTA CRUZ (Holy Cross) Parish sa Tanza, Cavite. Dito nanumpa si Hen. Emilio Aguinaldo bilang unang presidente ng revolutionary government ng Pilipinas.


Continue reading below ↓

Santa Cruz Parish

#5 SAN JUAN DE DIOS Church sa San Rafael, Bulacan. Piping saksi sa Himagsikan noong 1896. Bumaha ng dugo sa loob ng simbahan. Ang isang pangyayari sa bayang ito ang pinagbasehan umano ni Jose Rizal ng mga karakter nina Sisa, Crispin at Basilio sa nobela niyang Noli Me Tangere.

#6 SAN GUILLERMO Church sa Bacolor, Pampanga. Lubog sa lahar ang mahigit sa kalahati ng simbahan. Nag-taping dito ang Kapamilya teleserye na May Bukas Pa. Natatandaan pa ba ninyo si Santino?

#7 MONASTERIO DE TARLAC sa Mount Resurrection ng San Jose, Tarlac. Meron ditong 30-foot statue ni Kristo. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-iingay rito.


Continue reading below ↓

Monasterio de Tarlac

NOEL FERRER: Habang pababa naman na kami sa Baguio, heto ang karaniwan naming ruta para sa Visita Iglesia sa Metro Manila:

1. Dela Strada Parish sa Katipunan

2. Church of Jesu sa loob ng Ateneo

3. Santa Clara sa may Aurora Boulevard

4. Padre Pio sa may Eastwood area


Continue reading below ↓

Padre Pio Church

5. Sa EDSA Shrine sa may Galleria

6. Sa Mary The Queen sa may Madison St sa Greenhills (near Xavier at ICA)

7. Sanctuario de San Jose sa may North Greenhills

‘Yan ay para sa QC-Greenhills area

NOEL FERRER: Meron din namang UP to Manila na classic historic Visita Iglesia Sites:

1. Church of Holy Sacrifice sa UP na puros National Artists ang nagtayo

2. Sto. Domingo Church

3. UST Church

4. Quiapo Church


Continue reading below ↓

5. St. Jude Church

6. San Beda Church

7. San Sebastian Church

Siyempre, may bonus pang San Agustin at Manila Cathedral sa Intramuros.

Kita kits sa Visita Iglesia!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Holy Week
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results