Reklamo ni Karen Davila tungkol sa Siargao, panggising sa mga kinauukulan

by PEP Troika
Mar 30, 2018

NOEL FERRER: Nagkakagulat ang post ng broadcaster na si Karen Davila na lumipad papuntang Siargao kasama ng kanyang mag-anak, at heto, may kuwentong naaksidente ang kanyang anak na si David.

Detalyadong inilabas ni Karen ang kuwento sa kanyang FB account.

GORGY RULA: Extreme sport talaga ang surfing that even professionals get cuts and abrasions when they surf.

Continue reading below ↓

Pero kung medyo normal sa mga surfer ang magkasugat at galos, dapat ibayong ingat ang ginagawa nila sa mga baguhang nag-aaral, lalo na sa mga bata.

Mahalagang lumabas itong balita para maging mas maingat na ang LGU at ang mga taong responsable sa safety ng mga surfers at turista sa Siargao.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER: Mula sa surfing issue ng anak ni Karen Davila (at kakulangan ng serbisyo rin ng hospital, atbp.), heto naman si Anne Curtis calling out the LGU ng Siargao tungkol sa kalinisan at pagkolekta ng basura.

Dapat talaga may proper waste disposal rin at iba pang pangangalaga ng kapaligirian.

Ano ang nangyayari sa Siargao, is it a case of expanding so fast na hindi nakakayanan ang demands ng pag-unlad?

JERRY OLEA: Dahil box-office hit ang MMFF 2017 entry na Siargao, natural lang na dayuhin ito ng mga turista ngayong summer vacation.

Dapat pangalagaan ng mga taga-Siargao ang kanilang kapaligiran, at panatilihin itong malinis.

Continue reading below ↓

Ngayong Semana Santa ay nag-Pagudpud (Ilocos Norte) kami ng kaibigang dentista na si Dr. Rex Gaculais ng Paniqui, Tarlac.

Nag-stay kami sa Villa del Mar (Ivory Beach), na pag-aari ng pamilya ni Imee Llanes.

Puti ang buhangin sa dalampasigan, at pinapanatili ang kalinisan nito.

May mga tagapulot ng basura, pero halos wala silang napupulot dahil mismong mga turista at bisita ay hindi nagkakalat!

Maski sa mga pinasyalan namin na dinadayo ng mga tao, gaya ng Kapurpurawan White Rock Formation (Burgos, Ilocos Norte) at windmills (Burgos at Bangui, Ilocos Norte) ay malinis at kaaya-ayang pagmasdan!

Sa aming Visita Iglesia ay nakarating kami sa Aparri, Cagayan.

Disiplinado rin doon ang mga tao pagdating sa kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results