Chinese netizens nalungkot sa pagkaligwak ni KZ Tandingan sa Singer 2018

by PEP Troika
Mar 31, 2018

NOEL FERRER: “It’s a pity.” “Unfortunately KZ.” “It’s a regret.”

Ito’y ilan lamang sa mga comments ng mga Chinese netizens sa pagkakaligwak ni KZ Tandingan sa Singer 2018 contest sa China.


Apat lang ang nakapasok sa Wild Card. Sampu ang naglaban-laban. Ligwak na si KZ na kinakitaan ng kakaibang husay at galing sa pag-perform sa world stage.

Continue reading below ↓

Ang apat na nakuha sa Wildcard ay sina Hua Chenyu, James Li, Huo Zun, at Tengger.

Ang straight to the finals ay sina Jessie J, Angela, Wang Feng.

GORGY RULA: Kay Jessie J pa rin pala ang huling halakhak?

Pero kahit hindi man umabot sa finals si KZ, minahal na siya ng lahat na sumubaybay sa Singer 2018. Napansin na siya at nakuha na niya ang respeto ng lahat na may pambato tayo na may kakaibang galing.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kahit siya mismo ay hindi umaasang aabot sa finals. Kaya gusto na niya sana isama noon pa ang kanyang ama. Pero sabi raw ng papa niya, gusto niyang panoorin sa finals.

Sayang naman.Pero kahit na, lalong dumarami ang gusto siyang kunin, at sana matuloy na ang malaking concert niya sa Smart Araneta.

JERRY OLEA: Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Naunahan at nasobrahan ng hype si KZ nang kabugin niya si Jessie J sa isang episode.

Continue reading below ↓

Ginalingan ni Jessie J ang mga sumunod niyang performance, samantalang ligwak ganern ang kinahinatnan ni Tandingan.

Kaysaklap maging talunan!

Read Next
Read More Stories About
KZ Tandingan, pep troika
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results