Tambalang James Reid at Nadine Lustre, may hatak pa rin sa takilya

by PEP Troika
Mar 31, 2018

NOEL FERRER: Puno ang Ayala Vertis North, 1:45 P.M. showing, Lazy Boy chairs (ibig sabihin, bayad lahat ng mga seats, hindi hino-honor ang MTRCB Deputy Cards) at sulit talaga dahil maayos ang pelikulang Never Not Love You.


Bittersweet ang love story at hindi ito ang templated romcoms na karaniwan nang napapanood ngayon.

Continue reading below ↓

Mahusay sina James Reid at Nadine Lustre pati na ang kanilang mga supporting cast.

Napakaprogresibo ng storyline lalo na kung makikita ang detalye ng pagta-tattoo, pagda-drive ng kotse, ang hirap ng adjustment sa isang long-distance relationship, ang hindi pantay na sukatan ng kaligayahan sa trabaho man o sa pag-iral sa sariling bansa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Marami pang tinalakay ang pelikula na swabe lang ang dating.

Mahusay ang cinematography at hanep ang soundtrack, lalabas kayo ng sinehan feeling for the characters na walang definite na papupuntahan, pero pagsusumikapan pa ring mag-work ang relasyon nila, hangga’t kakayanin.

For me, this is Direk Antoinette Jadaone’s most mature work to date.

Suwerte ang JaDine at nagawan sila ni Direk Tonet ng magandang materyal na maipagmamalaki nila.

Wala ito sa bilangan ng kissing scenes at pakilig sa mga fans.

Lamang ito sa napakaayos at honest na storytelling at pagganap, na halos mararamdaman mo ang dilemma nina Joanne at Gio sa pelikula habang patuloy silang umuunlad at nagbabago bilang tao at bilang magkarelasyon.

Continue reading below ↓

Sana, pati ang audience ay magbago at umunlad din. Sana suportahan nila ang Rated A na pelikulang ito.

Deservingly so.

JERRY OLEA: Congrats sa JaDine at napatunayang may hatak pa rin sila sa takilya.

Hindi basta-basta nagpakabog ang movie nilang Never Not Love You sa kalabang Hollywood blockbuster na Pacific Rim Uprising.

Inaasam natin na ang mga susunod nilang pelikula ay may lalim pa rin, hindi pa-tweetums na nakakaumay, hindi hanggang pakilig lang.

Iba ang level ng JaDine sa KathNiel at LizQuen.

Ang tanong: kailan ang susunod nilang teleserye?

GORGY RULA: Ayon sa aming reliable source, maaring aabot ng halos 15M ang first day earnings nito.

Mukhang malakas ang movie. Dito kami ngayon sa Power Plant at puno na ang Cinema 3.

Ayon sa ilang Jadine fans na nakatsikahan namin, nasa Thailand pa ngayon at nagbabakasyon ang magkasintahan.

Pero updated silang dalawa sa mga nagaganap sa mga sinehan.

Meron pa ngang mensahe si James na ipinost sa kanyang IG story at FB account.

Continue reading below ↓

Sabi niya, "NEVER NOT LOVE YOU NOW SHOWING! Check your tickets when buying because some vendors are replacing it with another movie."

May sabotaheng nagaganap?

NEVER NOT LOVE YOU NOW SHOWING! Don't forget to check your tickets!

A post shared by James Reid (@jaye.wolf) on

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results