PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Never Not Love You ng JaDine, humina noong second day?

Published Apr 2, 2018

JERRY OLEA: Napakunot-noo ako sa tsikang naka-P20M ang JaDine movie na Never Not Love You sa unang dalawang araw (Black Saturday at Easter Sunday).


As of 3 P.M. noong Sabado de Gloria, Marso 31, ang projected first-day gross nito ay P15M.

Kung naka-P20M ito sa dalawang araw... alin ang totoo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A... mali ang P15M projected gross sa first day, at mahina ito noong gabi.

B... bumagsak ang kita ng movie noong 2nd day, na April Fools Day rin. First day lang ito malakas.

C... may padding ang P20M gross sa first two days.

Nakakalito!

Mas love ba ng moviegoers ang kasabayan nitong Hollywood movies na nagbukas noong Sabado—ang Ready Player One at Pacific Rim Uprising?!

O mas inaabangan ng fans ang Almost A Love Story nina Barbie Forteza & Derrick Monasterio na ipapalabas simula Abril 11?

NOEL FERRER: Sayang kung ganito lang ang kahihinatnan ng suporta ng JaDine fans, kasi matino at maayos pa naman ang Never Not Love You.

As I’ve said, maganda ang pelikula at kakaiba ang husay na ipinakita ng dalawang bida sa pelikulang ito.

Sana mas dumami pa ang manood after the good word of mouth; at magandang markadong maganda ang reception sa pelikula nila bago sila magkasari-sariling projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Teka, kung may Miss Granny si James Reid kasama si Sarah Geronimo, tuloy pa ba o hindi na si Nadine Lustre sa The Nurse with Direk Jun Lana?

GORGY RULA: Understandable naman kung may padding.

Lahat ng film productions ay ginagawa naman 'yan. Pero di naman sobrang layo.

Ayon sa mga napagtanungan namin, halos 12M pala ang kinita nito nung 1st day of showing. At sa 2nd day ay malaki nga ang ibinaba.

Kaya sa two days na showing ng naturang pelikula, mahigit 17M ang kinita nito.

Ang nakakabahala lang, hindi siya ganun kalakas pagdating ng late afternoon hanggang gabi.

Sa tema ng pelikula, akala ko pang-night crowd, hindi pala.

Pero malay natin, mas marami na ngayong manonood dahil nagbalikan na ang karamihang nagbakasyon sa ibang lugar.

Pagdating sa project na The Nurse, hopia, as in hoping pa rin tayo na si Nadine pa rin ang gagawa nito.

May naka-schedule palang meeting ang young actress sa Viva kasama si Direk Jun Lana para subukan pang maayos ang schedule na matuloy na rito si Nadine.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung hindi talaga makakaya sa schedule, e, di wala na! Hanap na nga ng iba.

May ma-suggest kaya sina Kuh Ledesma, Rocco Nacino, at Gloc-9 na mga registered nurse?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results