PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Martin Nievera, bumalik sa Pinas para sa birthday ni Digong kahit nagluluksa pa

by PEP Troika
Published Apr 4, 2018

NOEL FERRER: May pa-siyam na misa sa ABS-CBN ngayong lunch, April 4, para sa yumaong ama ni Martin Nievera na si Bert Nievera.


Kahit nagdadalamhati pa, kinailangang umuwi ng Concert King para sa Summer Station ID shoot ng ABS-CBN at sa gagawing birthday celebration ni President Digong bukas, April 5.

Ganyan ka-professional at ka-trouper si Martin na kilala natin bilang Big Mouth at life of the party, pero ngayon ay madalas mapag-isa at umiiyak pa rin sa pagpanaw ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit naman ako, naluluha pa rin ako kapag naririnig ko ang mga kantang “The Best Gift” at “The Greatest Love Affair” na kinanta ng mag-amang Nievera.

GORGY RULA: Nakakalungkot lang dahil isa si Bert Nievera sa iginagalang na mang-aawit dito sa atin.

Siya nga ang tinaguriang "Johnny Mathis of the Philippines."

Hindi nga lang maganda ang pag-alis niya rito sa atin dahil sa kinasangkutan niyang isyu. Kaya hindi na siya nakabalik dito.

Nakalimutan na siya tuloy, at hindi na siya nakilala ng millennials dito sa atin.

Kung nakabalik pa siya rito at naging visible kasama si Martin, maaaring nabigyan siya ng tamang tribute sa kanyang pagpanaw.

Pero bakit hindi ito gawin ng ASAP kung aapir uli doon si Martin?

JERRY OLEA: Dalawang mukha ng showbiz...

Nasisilayan natin iyan ngayon kay Martin Nievera.

Malungkot si Martin sa pagpanaw ng kanyang ama.

The show must go on, kaya noong Lunes ay umuwi sa Pilipinas si Martin sa hiling ni Pangulong Digong na kumanta sa kaarawan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Martin sina Lani Misalucha at Zsa Zsa Padilla para aliwin ang mga panauhin sa pagdiriwang ni Duterte.

Pagkatapos ng kanyang commitments sa lupang hinirang, babalik si Martin sa Amerika para sa cremation ng kanyang ama.

Ganun pala sa US—medyo matagal magpa-schedule ng cremation.

Kasama pa rin si Martin sa nag-aayos nito in coordination with Tito Bert’s partner, Carol Nievera.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results