JERRY OLEA: Seven!
Seven years ago pa yata nang lumabas ang nude pictures ng isang lalaking sabi-sabi ay si Mark Herras.
Pagkatigas-tigas ng pagtanggi ng aktor ng Siyete.
Patalsik-talsik ang tsika kaugnay sa kadakilaan ni Mark, hanggang sa bumugalwak ang video sa social media.
Pagkahaba-haba! 8 minutes & 7 seconds ang video, at kamukhang-kamukha talaga ni Mark ang bida!

“Mark my sword, este, my word... kalokahlike lang niya iyon!” naghuhumindig sa galit na bulalas ng isang bading na lodi ang aktor.
Ano kamo ang mensahe ng manager ni Mark na si Manay Lolit Solis sa usaping ito?
Hanash ni Manay nitong Biyernes ng umaga, Abril 6, “Naku, knowing kapilyuhan ni Mark Herras, puwede! Pero di pa rin ako sure.
“Itanong ko sa kanya kung true or false, pero dahil sinabi mo namang dakila, OK lang, walang dapat ikahiya.
“Naku, ewan ko ba kung bakit big deal, e, lahat naman ng boys, ginagawa iyan.
“So what, basta nag-enjoy ang nanood, OK lang.
“Kung kahiya-hiya ang sandata, saka itago, di bah?! Hah hah!”
NOEL FERRER: This is very indicative ng libangan ng generation ngayon.
Instead of the usual person-to-person interaction, dito, computer na ang kasama ng isang tao sa pagtawid ng pagnanasa.
Marahil, iisipin na less ang risk, dahil walang mabubuo o mabubuntis.
Pero heto nga ang epekto: ang isa na namang video scandal.
Or has it ceased to be a scandal... dahil ang dami nang mga kaso ng ganito.
Dati, nagiging cause pa nga ito ng kahihiyan; pero ngayon, para bang wala nang hiya-hiya.
Pag-uusapan lang ito ng ilang araw at para sa isang celebrity, nagiging mitsa o parte pa nga ito ng reinvention.
Paano kaya ito makakaapekto kay Mark?
GORGY RULA: Hinihintay ko pa rin ang sagot ni Mark tungkol sa video na ito.
Hindi pa rin siya sumasagot sa text at tawag ko.
Matagal na kasi ito.
Naalala ko, nung lumabas ang mga litrato pa lang pitong taon na ang nakaraan, isa sa mga babaeng na-link sa kanya noon ang nagsabing parang ganun nga raw ang hitsura ng pag-aari ng Kapuso actor.
Parang kinikilig pa nga siya nang sinabi niya yun, dahil memorable naman sa kanya ang ilang gabing pinagsamahan nila noon.
Ang dami nang kabadingan ang nakausap ko ngayong umaga na parang naglalaway pa sa kanilang reaksiyon sa mahabang video na iyun.
Tingin ko naman, walang epekto na ito kay Mark.
Baka makakatulong pa nga sa ginagawa niyang drama series na The Cure.
