GORGY RULA: Medyo senti ang kilalang broadcaster na si Ka Tunying Taberna sa opening kahapon, April 6, ng panibagong branch ng Ka Tunying’s Café, na matatagpuan sa departure area ng NAIA Terminal 3.
Medyo maliit lang ito, kaya tinawag nilang Ka Tunying’s Café Jr.
Si dating Senator Robert Jaworski ang special guest at nag-cut ng ribbon at kasama sa ceremonial bread cutting.

Itinuturing ni Ka Tunying na bahagi na ng kanilang pamilya ang basketball living legend.
Sobrang fan pala ni Jawo ang namayapang ama ni Ka Tunying, at hinding-hindi raw niya makakalimutang dumalaw pa ito sa hospital bago pumanaw.
Kaya sa grand opening nito kahapon, bumalik daw sa alaala niya ang hospital visit ni Jawo na nagpasaya sa kanyang Tatay Tunying.
Kasama sa ribbon-cutting si Department of Agriculture Usec. Bernadette Romulo-Puyat dahil isa ang KTC sa nagpu-promote ng paggamit ng local ingredients sa mga pagkaing sini-serve.
JERRY OLEA: Nalungkot tayo sa pagkasunog ng makasaysayang Kamuning Bakery, na pati ang franchise sa SM North EDSA ay naapektuhan at napilitang magsara.
At masaya tayo sa pagdami ng mga sangay ng panaderia ni Ka Tunying.
Tuluy-tuloy ang pag-inog ng mundo.
NOEL FERRER: Mas bongga na nga ang Ka Tunying Cafe dahil nagpa-franchise na ito ngayon.
At least, may back-up career na si Anthony at ang pamilya niya aside from his broadcast career.
At hindi niyo ba naisip na exception ito sa rule na bawal mag-endorse ng kahit na ano ang mga reporters/news anchors ng ABS-CBNm, pero dahil sa kanya itong business na ito, lusot si Ka Tunying.
Tuloy, ito ang guide sa mga broadcaster na, according to Karen Davila’s show, My Puhunan.
