NOEL FERRER: Speaking of My Guitar Princess, alam ko na from Pops Fernandez to Rowell Santiago, to Mikee Cojuangco n dapat na gaganap na parents ng bida, gusto nila sanang mag-cast ng isang dating love team.
Umabot na sila sa Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz sana.

Umokey na si Sheryl Cruz umpisa pa lang nang ialok daw ito.
Pero si Romnick, medyo matagal ang usapan. Hanggang sa humindi na nga raw ito.
Come to think of it, sabi ng staff, may something ba sa Sheryl-Romnick tandem at parati raw hindi matuluy-tuloy pagsamahin sila ulit?
Bakit kaya ka-Troika?
JERRY OLEA: Marami namang choices sa dating love team!
Kung hindi pwede ang Sheryl-Romnick, nandiyan ang Lotlot de Leon-Ramon Christopher, Manilyn Reynes-Janno Gibbs, at Tina Paner-Cris Villanueva.
GORGY RULA: Baka kasi may selosang involved.
Pero sa totoo lang, dito napatunayan kung gaano pa rin kalakas ang veteran stars.
Kahit anong sikat ng young stars na bida sa isang soap, kailangan pa rin ng malalaking veteran stars na nakakapaghakot pa rin ng viewers at supporters hanggang ngayon.
