PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia, iniyakan ang balitang break na sila ni Julia Barretto

by PEP Troika
Published Apr 11, 2018

NOEL FERRER: Isang umiiyak na Joshua Garcia ang lumabas sa Tonight With Boy Abunda nitong Martes, April 10.

Ito ay hindi dahil sa finale ng teleserye niyang The Good Son, kundi dahil sa pinagdaanan nila ng kanyang rumored girlfriend na si Julia Barretto.


Gaano kahirap ang magpaalam? Naghiwalay ba sila ni Julia? Nagkabalikan ba sila? Sino si Dane sa buhay niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

'Yan ang mga sunud-sunod na tanong ni Tito Boy kay Joshua.

Magkahiwalay sila noong huling bakasyon.

Si Joshua sa Bali, Indonesia alone na dapat si Julia ang kasama kaya. Si Julia, nasa Siargao.

May third party nga ba sa kanilang hindi inaamin na relasyon?

Sabi ni Joshua, “Sa mga taong mahal ko, sila ang nagpapaalam. Mahirap.

“Misunderstanding po, hindi ho kami nag-break.

“Yung Dane, wala lang po siya. Nag-comment lang po ako sa isang post.

"Nakahanap ng dahilan ang mga bashers ko.

"Hindi madali ang nangyari. Ang daming nag-judge.

"Hindi naging madali, pero at least naayos."

Sabi pa ng Kapamilya young actor, “Masaya akong nangyari yun. Marami akong natutunan.

"Iingatan ko ang ginagalawan kong mundo. Hindi ito para sa lahat.

"Kinompliment ko lang naman yung post.

“I apologized for what happened. Sinabi ko lang na challenge lang ito, kailangan lang natin itong lampasan.

“Nagdasal ako nun kung bakit nangyayari yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Baka may gusto lang na ipa-realize sa akin si Lord. Narinig ko Siya."

GORGY RULA: Sabi namam ni Joshua, sobrang okay daw sila ni Julia.

Pero bakit parang may dinadala pa rin siyang sakit at may lungkot ang mga mata habang kausap si Kuya Boy?

Nakadagdag pa sa sama ng loob ni Joshua ang mga bashers na umaatake sa kanya.

Bakit ba naging bahagi na ng mga nangyayari sa buhay nila ang mga bashers?

Ganun na kalaki ang epekto sa kanilang buhay?

Napakabata pa ni Joshua, marami pang puwedeng mangyari sa buhay niya.

Napakagaling niyang artista, successful ang kanyang career. Dapat maging masaya na siya.

Baka magtampo kasi ang Diyos na sa kabila ng tagumpay na tinatamasa mo, malungkot ka pa rin?

Teka, mas bongga sana kung nag-Fast Talk pa si Kuya Boy kahit humihikbi-hikbi at lumuluha pa rin si Joshua.

JERRY OLEA: Nakatanggap na ng awards si Joshua para sa pelikulang Vince & Kath & James at teleseryeng The Good Son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nominado siyang best actor sa 2nd Eddy Awards para sa pelikulang Love You To The Stars, kung saan ang galing-galing niya sa paghikbi-hikbi at paglagaslas ng luha.

Noon pa nasasabihan si Joshua na bagong John Lloyd Cruz, na kaygaling-galing umantig sa damdamin ng mga manonood sa TV at pelikula.

Pero iba si Joshua kay JLC.

Wala nang keber si Lloydie sa mga hanash ng haters & bashers.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results