PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kring Kring Gonzalez, aminadong mas magaling sa kanya ang anak na si Sofia Romualdez

by PEP Troika
Published Apr 13, 2018

JERRY OLEA: “I don’t want to be a star! Like... I just wanna make music!”

Nakangiting bulalas iyan ng 18-year-old na si Sofia Romualdez sa paglulunsad ng second single niyang "Thinkin’ of U" nitong Huwebes ng gabi, Abril 12, sa Manila Polo Club, Forbes Park, Makati City.

Inusisa kasi ni Manay Ethel Ramos ang baguhang singer kung paano niya nakumbinsi ang inang si Tacloban Mayor Kring Kring Gonzalez Romualdez na payagan siyang maging recording star.

Pagpapatuloy ni Sofia, “So, I feel like... I just wanna make music, that’s all I wanna do. I don’t really care.

“I feel my mom saw that, that’s what I’m passionate about.

“And I feel, like, you know, when your child is passionate about something, you can’t really stop them.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumpirmasyon ni Mayor Kring Kring, “Totoo ang sinabi niya, ‘Mom, I don’t want to be a star! I just want to make music!’

“She just wants to express herself through music.”

Ang naunang single ni Sofia ay ang "Pikit Mata," na ginamit sa pelikulang FanGirl/FanBoy.

Iyong mga kanta ni Sofia ay sarili niyang komposisyon. So far ay limang kanta na ang nilikha niya.

Umamin si Sofia na nakaranas na siya ng heartbreak, pero hindi na niya idinetalye iyon.

Nakangiting pakli ni Mayor Kring Kring, “Nagkukuwento siya sa akin, pero I don’t think she wants me to tell the public.”

Iyon bang heartbreak, nakatulong kay Sofia sa pagko-compose ng kanta?

“Ewan ko lang kung doon niya nakukuha ang mga hugot niya,” sabi pa ni Mayor Kring Kring.

GORGY RULA: Aminado naman si Mayor Kring Kring na mas magaling di hamak si Sofia kesa sa kanya pagdating sa music.

“Mas magaling siya. Tanggap ko na.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Bukod sa kumanta, nagra-write siya ng song, nagpi-play siya ng instrument.

"Wala sa akin yun, nasa kanya na lahat," pahayag ng Tacloban mayor.

Ang payo lang ni Kring Kring sa kanyang anak na maging mabait lang sa lahat.

Mabuti at ayaw naman daw ni Sofia sa movies, kaya tingin niya di gaanong maintriga sa larangan ng music.

“Sinasabi ko sa kanya na, you know, if you hear anything negative, just don’t mind it.

"Be nice to everybody, yun lang naman," sabi pa ng mommy ni Sofia.

Sa ngayon ay mag-focus lang si Sofia sa pagkanta, at isasantabi niya ang personal na issue kagaya ng love life.

Tama na raw na naranasan niyang masaktan sa love life.

NOEL FERRER: At least may artistic venue na si Sofia sa kanyang mga feelings, and she can freely express them in her music na.

Sana lipas na ang araw ng kanyang panlilibak kay VP Leni Robredo sa social media at natuto na siya dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Should she be successful, she can at least help her mom or dad should they seek votes again in the next elections.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results