GORGY RULA: Nagbigay ng appreciation merienda ang big bosses ng ABS-CBN sa main cast ng The Good Son, na magtatapos na mamayang gabi.
Ginanap ang pagtitipon sa chronicle lounge ng ELJ Building sa loob ABS-CBN compound.
Labing-anim ang mga imbitado, na pinangungunahan nina Joshua Garcia, Jerome Ponce, McCoy de Leon kasama sina Loisa Andalio, Eula Valdes, at Mylene Dizon.
Hindi imbitado si John Estrada.
JERRY OLEA: Todo-promo pa rin ang teleseryeng The Good Son nitong Friday the 13th (Abril 13) sa kanilang pagwawakas.
Nag-It’s Showtime sila nitong tanghali, sabay segue guest appearance nina Joshua, Jerome, Nash at McCoy sa MOR 101.9 ng 3:00 p.m.
Kasunod nito, bandang 4:00 p.m., ang appreciation merienda with Carlo L. Katigbak, presidente at CEO ng ABS-CBN.
Nakasama ng mga artista ang production staff ng programa, pati na rin ang Kapamilya executives.
Naka-schedule naman ng 6:00 to 8:00 p.m. ang pakikipag-online chat nina Joshua, Jerome, McCoy, at Nash sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay.
Kapuso na si John Estrada.
Awkward kung kasali pa siya sa appreciation merienda, lalo pa’t may isyung kaakibat ang pag-alis niya sa nasabing palabas.
Hindi big deal kung hindi man siya imbitado sa appreciation merienda.
