PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arjo Atayde, gustong "batukan" ang inang si Sylvia Sanchez

by PEP Troika
Published Apr 17, 2018

JERRY OLEA: Gustong batukan ni Arjo Atayde ang inang si Sylvia Sanchez.

Sa finale presscon ng Kapamilya teleserye nilang Hanggang Saan nitong Martes, Abril 17, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC, inusisa si Arjo kung ano pa ang gusto niyang gampanan nila ng kanyang ina.


Sagot ng mestisong aktor, “Gusto ko siyang maging barkada. Iyong babatukan, ‘Hayup ka!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang sambot ni Sylvia, “Iyon talaga ang pangarap niya, ‘Mommy, gusto kong magkaroon ng sasapakin kita.’

“Kasi, hindi na challenge sa akin yung sasapakin siya.

"Kasi, minsan, di ba, sa totoong buhay, ako ang nanay niya, pag nagkamali siya, sinasapak ko siya talaga, e.

“So, hindi na bago sa akin. So, siya ang excited. ‘Mommy, sana masapak kita!’ ‘Go!’”

Nobyembre 27, 2017 nagsimulang umere sa ABS-CBN ang Hanggang Saan. Magwawakas ito sa Abril 27, 2018.

Pagkatapos nito ay pahinga muna si Sylvia sa teleserye.

Ayaw rin muna ni Arjo na makasama sa TV series ang ina.

May gagawin silang project ni Arjo sa Agosto.

GORGY RULA: Bakit hindi na lang sila magbatukan sa bahay?

Sino naman direktor ang papayag na gawing magkabarkada sila, e, alam naman ng lahat na mag-ina sila?

Gusto lang ba gumanti ni Arjo?

Sinasabi naman talaga ni Sylvia noon pa na grabe talaga siya magdisiplina sa mga anak niya. Nakatikim nga raw si Arjo nun na napasok sa sako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa totoo lang, di nga gaano umepek ang pagsasama nila dahil di naman gaano humataw sa ratings itong soap nila.

Hindi katulad ng The Greatest Love ni Sylvia na pinag-usapan nang bongga at ang galing niya sa teleseryeng yun.

NOEL FERRER: Speaking of batukan, while doing this teleserye na Hanggang Saan, merong ginagawang pelikula si Arjo na kasama sina Joross Gamboa at Ketchup Eusebio for Reality Films.

Doon siguradong maraming batukan dahil isa itong comedy barkada movie.

Maganda rin ito para after magdrama ni Arjo, heto’t may bala siyang comedy movie na pambarkada’t pampamilya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results