PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Herras, nakiusap na huwag nang idamay si Winwyn Marquez sa isyu ng video scandal niya

by PEP Troika
Published Apr 18, 2018

GORGY RULA: Hindi raw apektado si Mark Herras nang kumalat ang sex video scandal na kinasangkutan niya ilang taon na ang nakararaan.

Pero ang pakiusap ng Kapuso actor, huwag na sanang idamay ang kasintahang si Winwyn Marquez.


“It’s an old issue. Hindi ko siya para pag-usapan pa.

“Siguro ang masasabi ko na lang is, huwag na lang idamay si Wyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi ang daming nagta-tag kay Wyn, alam mo yun? Yung mga walang kuwentang mga sinasabi.

“Kasi si Wyn ang mas pinaka naaapektuhan siyempre. Siya yung napapahiya.

“Ako naman, parang deadma na lang na wala akong pakialam,” pahayag ni Mark sa presscon ng The Cure, ang bagong drama series sa GMA-7 na kinabibilangan niya.

Hindi na raw isyu sa kanila ang video scandal na yun dahil sobrang tagal na nun.

Pero ang ikinaiirita lang ni Winwyn, bakit pati siya ay idinadamay ng mga tao gayong hindi pa sila ni Mark nung una itong kumalat.

“Naapektuhan siya na naiinis siya na dinadamay siya.

“Huwag na lang sana isama si Wyn sa isyu na yun,” pakiusap na lang ni Mark.

NOEL FERRER: Tama naman si Mark dun sa puntong huwag nang idamay si Winwyn sa issue, kasi wala naman talaga siyang kinalaman dun.

Pero sa pagsasabi ba ni Mark na “sobrang tagal na nung video na yun,” inaaamin na niyang siya yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Oh well, parang nakatulong pa tuloy na mapag-usapan at mapagnasahan siya ulit sa teleseryeng The Cure.

Ang tanong: mula sa pagiging ka-love team at ka-partner ni Jennylyn, totoo bang kontrabida si Mark ngayon sa teleseryeng ito ng dati niyang ka-love team?

GORGY RULA: Mas gusto naman daw ni Mark na mag-kontrabida, Sir Noel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Okay lang daw na si Tom Rodriguez na ang leading man ng dati niyang ka-love team na si Jennylyn Mercado.

Mas natsa-challenge daw siya sa kontrabida role dahil hindi pa niya ito nagagawa noon.

Abangan na lang natin itong The Cure na magsisimula na sa April 30 sa GMA Telebabad kung saan papalitan nito ang magtatapos nang Sherlock Jr.

Tingnan natin kung may karapatan na si Mark sa challenging na kontrabida role.

Samantala, dahil nga sa sex video scandal na kinasangkutan ni Mark, may mga nagkakainteres sa kanyang i-produce ng sexy movie, basta lalo lang daw pagandahin ang katawan niya.

“Tingnan natin. Kumbaga, may bagong role ako ngayon na ginagawa, ang kontrabida. Huwag muna tayo pumunta sa ibang klase.

“Let’s see,” medyo naaalangang sagot ni Mark.

Pero kinulit pa rin namin kung okay lang ba na magpa-sexy siya sa isang pelikula.

“Hindi ko alam. Magpapaalam muna ako kay Wyn!” natatawa niyang sagot sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA: Ano kamong masasabi ni Jennylyn na ang dati niyang ka-loveteam na si Mark ay kontrabida at suporta na lamang niya sa bago niyang teleserye na The Cure?

“Hindi ko po masasagot. Sorry po,” sabi ni Jennylyn.

Ang hirit ni Mark, masaya ito at nacha-challenge sa pagkokontrabida.

Nagpasalamat pa si Mark sa GMA-7 dahil ibinigay sa kanya iyung role na kontrabida.

Lahad ni Jennylyn, “Ano ko ‘yan, e, kumpare ko ‘yan. Malaking step para sa kanya... and sa aming mga artist...

“Ewan ko... parang gusto ko ring gumawa ng iba.

"Kasi, kung palaging yun at yun ang ginagawa mo, parang... wala ka ring natututunan, di ba?

“Hindi ka na-challenge. Parang nali-limit ka na lang doon.

“So, maganda rin yung ganun.

“Kahit ako, masaya rin ako para sa kanya,” patangu-tangong sambit ni Jennylyn.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results