PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ano ang mauuna kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo: Kasal o anak?

by PEP Troika
Published Apr 18, 2018

JERRY OLEA: Andaming nag-congratulate kay Jennylyn Mercado matapos mag-post si Dennis Trillo sa Instagram ng twinning photo nila.

Naka-focus sa litrato ang magkahawak nilang mga kamay, habang pareho sila ng suot na relo.

Agaw-pansin ang singsing ni Jennylyn.

�???

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on


“Ewan ko ba, nagtataka nga rin ako, bakit nila ako kino-congratulate,” sambit ng aktres sa presscon ng Kapuso teleseryeng The Cure nitong Abril 17, Martes, sa La Reve, Sgt. Esguerra St., QC.

“Nanalo ba ako ng award?”

Pakiwari ng marami, pakakasal na sila.

“Hindi ko po alam. Kasi, hindi pa po napapag-usapan namin iyon,” pakli ni Jennylyn.

Engagement ring na ba iyong ibinihagi niya?

“Sa akin yun!” maigting na bulalas ni Jennylyn.

“Di ba, pag engagement... lagi kong sinasabi, pag engagement ring, di ba, parang isa lang [ang bato]? Isa lang siya. Ulo lang...

“Akin ‘to, eh! Kayo naman! Hindi ako puwedeng bumili nito? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailan sila pakakasal ni Dennis?

“Hindi ko po alam. Hindi ko po alam,” tila naguguluhang tugon ni Jennylyn.

“Wala pa talaga! Promise!

“Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Marami pa akong gustong tahakin.”

Malinaw ba iyon kay Dennis?

“Alam po namin pareho.”

If ever, alin ang mauuna sa kanila ni Dennis—kasal o anak?

Natigilan sandali si Jennylyn bago sumagot.

“Hindi ko po alam, e. Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng kapalaran.”

NOEL FERRER: They are both of age naman na kaya out of character nang magpa-sweet si Jennylyn.

And yes, logical progression naman na ang paglagay niya sa tahimik at ang pagiging pamilyado.

Among the Kapuso stars, aminin natin na isa sa pinaka-bankable ay si Jennylyn, dahil she is not just (like most) a TV star, she is a certified movie star.

Only a few can lay claim to that among the Kapuso stars, kaya angat si Jen dun. Sana mapanatili niya 'yang ganyang premium!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA: Marami pa nga raw silang gustong gawin at tuparin sa kanilang career.

Kaya wala pa sa plano nila ang kasalan. Pero tahimik lang kasi ang dalawang ito. Magugulat na lang tayo engaged na pala sila.

Sa totoo lang, dapat na talagang malagay sa tahimik si Jen kasi masasabing siya yung walang maituturing na pamilya.

Si Jazz lang ang kadugo ni Jen na kasama niya sa buhay.

Wala na si Mommy Lydia na itinuturing niyang ina.

Kaya dapat makabuo na sila ng pamilya ni Dennis.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results