JERRY OLEA: Nanood ng pelikula si Richard Reynoso noong Abril 17, Martes ng gabi.
Last screening iyon kaya bago ipalabas ang movie, pinatugtog ang "Lupang Hinirang."

Siyempre, tumayo si Richard at ang iba pang moviegoers bilang respeto sa ating pambansang awit.
“Iyong mga Pinoy na nakaupo sa pinakaharap, dedma.
"Sinitsitan ko nga, kasi nagtatawanan pa ang mga lintek!” himutok ng singer-actor.
Gusto sanang lapitan ni Richard ang mga hinayupak para pagsabihan, “If you can’t respect the flag, get out of the country.”
NOEL FERRER: Grabe at talagang very vocal si Richard at kanyang mga fellow ka-DDS sa mga usaping makabayan ngayon.
Sana madala nila ito sa higit na pagkakaisa sa ating bayan at manatiling kritikal sa mga tiwali at mali; at mapanuri sa mga nangyayari sa bansa lampas sa pulitika.
GORGY RULA: Join ako diyan sa ipinaglalaban ni Richard sa ating Pambansang Awit.
Huwag lang sana haluan ng pulitika.
Ang pagkakaalam ko, isa rin ito sa gustong ipasang batas ni Cong. Alfred Vargas—ang tamang pagbigay galang sa ating Pambansang Awit.
Sina-suggest din nga namin sa kanyang sana iisang klase ng Pambansang Awit ang kakantahin at ipinapalabas sa mga public establishment kagaya ng sinehan.
May sariling bersiyon na gawa ng GMA-7, meron din ang ABS-CBN.
Pati ba naman sa Pambansang Awit natin may network war?
Hindi ba puwedeng magkaisa sa isang bersiyon ng sarili nating National Anthem?
