PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dina Bonnevie, hindi type maka-May-December affair sina Daniel Padilla at James Reid

by PEP Troika
Published Apr 18, 2018

JERRY OLEA: Dalawang pelikula kaugnay sa May-December affair ang ginawa ni Dina Bonnevie kung saan pinagnasaan siya ng mas batang lalaki.

Ang mga ito ay Tag-araw, Tag-ulan (1992) with Gary Estrada, at Noon at Ngayon: Pagsasamang Kayganda (2003) with Jericho Rosales.

Sa totoong buhay, naging “stalker” pa sa kanya si Diether Ocampo (na ex ng daughter-in-law niyang si Kristine Hermosa).

Hanggang ngayon, may asim pa rin si Dina at marami pang young men ang nagkakagusto sa kanya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto nga ni Direk Joel Lamangan na gumawa ng pelikulang Overage, kung saan magre-reunion sila ng Underage co-stars na sina Maricel Soriano at Snooky Serna.

Sa pagganap niya bilang cougar, sino ang bet niyang maging lover?

“Sino sa young actors ang puwede kong maka-May-December affair? Ahhh... Sino ba? May maisa-suggest ba kayo?” pagkunot-noo ni Dina sa intimate interview sa kanya ng piling showbiz press nitong Abril 18, Miyerkules, sa The Frazzled Cook, Sct. Gandia St., QC.

Daniel Padilla, James Reid, Enrique Gil?

“Dapat naman, iyong medyo borta ang katawan,” pakli ni Dina, na kasama sa cast ng Kapamilya teleseryeng The Blood Sisters.

“Yung parang... why not... puwedeng Matteo [Guidicelli]. Pwedeng Enrique Gil. Mga Ejay Falcon. Tom Rodriguez.

“E, kasi, pag si Daniel [Padilla], baka magmukha akong lola niya. Bagets na bagets kasi yung itsura ni Daniel!

“Saka pag si James Reid, masyado siyang maganda! Baka mas maganda pa siya sa akin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailangan, yung ka-May-December ko, hindi masyadong maganda! Ang ganda-ganda ni James!”

NOEL FERRER: Borta. 'Yan daw ang gusto ni Miss D!

Ayaw niya rin ng sobrang ganda.

Wala sa criteria na nabanggit niya ang magaling umarte, ha. Hehehe!

And yes, Diether Ocampo nag-attempt manligaw sa kanya, ha!

That says it all!!!

GORGY RULA: Pero parang hindi na priority kay Ms. D ang mag-movie kasi ang na-miss daw niya talagang gawin ay ang mag-talk show.

Hinahanap daw niya yung panahon ng Ms. D at D-Day na araw-araw may ini-interview siya, may nakakausap na iba’t ibang klase ng tao, at yun din daw ang gusto ng asawa niyang si Congressman DV Savellano.

“Yun talaga ang dream ng husband ko, e. ‘Huwag ka na mag-soap. I want you to do a talk show.

“'It’s good for you because you’re very good in doing talk shows. And maybe you can do a travel of type of thing, meet people.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“'At least pag election period you can do mga senators, mga running politicians,” pakli ni Dina na kinuwento pang may ibang pulitiko raw na gustong magpa-interview sa kanya dahil ang buong akala nila may talk show pa siya.

Pero meron daw binubuo ang mga dating staff ni Dina sa dating talk show niya na gusto siyang gawan ng online na talk show, kagaya ng ginagawa ni Kris Aquino.

Diyan nga raw siya napapabilib kay Kris, na kahit wala ring talk show sa television, nagagawa pa rin niya online.

“I admire what she’s doing kasi tinutuloy niya sa Web, di ba?” sabi pa ni Dina.

Kaya nami-miss daw niyang maging talk show host.

Kung sakaling magsama nga raw sila ni Kris sa isang talk show, baka hindi na makapagsalita ang guest nila dahil sila na raw ang kuda nang kuda.

“Kasi I’m always interested to meet new people and know about their lives,” dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sakaling mabigyan siya ng chance na magkaroon ng talk show, gusto niyang makasama ang anak na si Danica dahil wala pa raw yung tipo ng talk show na mother-and-daughter tandem.

Diyan excited si Dina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results