NOEL FERRER: After 26 years, ipinalabas ulit ang obra maestra ni Direk Carlitos Siguion-Reyna na Ikaw Pa Lang Ang Minahal.
Tampok sa pelikulang ito sina Maricel Soriano, Richard Gomez, Charito Solis, Eddie Gutierrez, Guila Alvarez, and even Armida Siguion-Reyna.

Naging Best Picture ito ng Urian at Young Critics Circle (YCC) noong 1992.
Ang YCC lang ang nagbigay kay Marya ng Best Actress/Performer Award noong taong yun dahil nag-grand slam Best Actress si Lorna Tolentino para sa Narito Ang Puso Ko.
Pinunchline ito ni Maricel sa kanyang short speech bago ang screening pelikula.
Pero mas natuwa siya sa suporta ng kanyang fans at mga kaibigan sa industriya sa bonggang pagbabalik niya.
Mula sa film staff, dumalo rin si Direk Carlitos, Raquel Villavicencio (writer), Ryan Cayabyab (musical scorer), Raymond Bajarias (production designer), at James Cooper (make-up artist)
Maliban sa premiere na ito, mayroon pang bagong pelikula si Marya via Regal Films’ My 2 Mommies with Paolo Ballesteros and Solenn Heusaff directed by Eric Quizon.
At magbabalik-teleserye na rin si Marya, kasama si Angel Locsin, via The General’s Daughter ng ABS-CBN.
Opisyal na ring ipinahayag sa pagtitipon na ipinaubaya na ni Veana Fores kay Biboy Arboleda ang pamamahala sa career ng Diamond Star.
JERRY OLEA: Ang pelikulang Ikaw Pa Lang Ang Minahal (1992) ay adaptation ng The Heiress (1949).
Ang materyal ng Hollywood classic na iyon ay hinalaw sa nobela ni Henry James na Washington Square (1880).
Wagi ang The Heiress ng apat na Academy Awards (Oscars), kabilang ang best actress para sa bidang si Olivia de Havilland.
Classic line dito ni Olivia ang, “I have been taught by masters.”
Para sa pagganap niya sa IPLAM bilang ama ni Adela (Maricel Soriano), wagi si Eddie Gutierrez bilang best supporting actor sa FAMAS, at best actor sa FAP.
GORGY RULA: Doon din sa screening ay natanong si Maricel kung totoong siya na nga ba ang gaganap na nanay ni Liza Soberano sa Darna.
Baklang-bakla ang sagot ng premyadong aktres.
"Hindi ko alam 'yan!" bulalas ni Maria.
"Lulunok din ba ako ng bato?
"Gusto ko ring sumigaw ng Darna!" sabi pa nya.
