GORGY RULA: Tila wala nang balak si Direk Joel Lamangan na magdirek ng isang soap opera sa TV dahil mas concern daw niya ngayon ang kanyang kalusugan.
Masaya na raw siyang magdirek ng pelikula at isang musical stage play kagaya ng Binondo: A Tsinoy Musical na ginagawa niya ngayon.

Pahayag ng premyadong direktor sa nakaraang presscon ng Binondo, “Kung pera lang, TV. Yun lang, madi-deds ka na lang agad.
“Sa edad natin, kung gusto mo mapapadali ang buhay, mag-TV ka.”
Kaya happy na raw siyang magdirek ng pelikula at itong stageplay na kaagad mo raw matatanggap ang response mula sa mga manoood.
“Sa pelikula naman kasi, mapapaganda mo siya nang mahusay. Sa theater, ganun din.
“Wala masyadong pera, pero nakikita mong mas fulfilling.
“Mabilis ang response, merong nagmumura, 'Ang pangit-pangit naman niyan,' naririnig mo agad.
"Pag maganda, ‘Ay, ang ganda-ganda,’ maririnig mo agad.
“Sa pelikula, hintayin mo pa ang review,” nakangiti niyang pahayag.
Kaya bakit pa raw niya ipi-pressure ang sarili sa pagdirek ng isang soap opera na halos araw-araw kang nagtatrabaho.
Hindi na raw niya kailangan ngayong magpa-pressure nang husto sa trabaho.
JERRY OLEA: Konti lang ang political undertone sa Tsinoy musical na Binondo.
“Bawal. Ayaw nila ng political. Ayaw ng mga Chinese!” sabi ng direktor ng palabas na si Direk Joel.
Backdrop ng istorya ang rally-rally sa Maynila, at cultural revolution sa Beijing noong 1970s.
Pero ang focus ay ang love story ng isang Pinay na dalaga, si Lily, at ng isang binata mula sa mainland China.
Ka-triangle nila ang isang binatang Chinese na ipinanganak at lumaki sa Pilipinas.
Kuwento ni Direk Joel, “Love story ito. Iyong period lang ang backdrop.”
Maayos ang takbo ng kanilang rehearsals, at natuwa si Direk Joel sa hussy ng mga artista niya rito.
Medyo malaki ang production budget. Hindi tipid!
Iyong kanta pa lang dito na "Ako Ay Pilipino," sulit na ang tiket na ibabayad!
NOEL FERRER: At least, nag-iingat na rin si Direk Joel sa kanyang kalusugan.
Maliban sa pagdidrek ng Binondo, excited akong mapanood ulit siya sa restaging ng PETA play na Galileo.
'Yan ang tatak Lamangan, artist-activist.
Hindi lang mahusay na direktor, premyado at iginagalang na aktor din!
