PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Freddie Aguilar, tatakbong senador sa 2019 para tulungan si Presidente Digong

by PEP Troika
Published Apr 19, 2018

NOEL FERRER: Kinumpirma ng singer na si Freddie Aguilar sa Double A sa Double B nina Mike Enriquez, Arnold Clavio, at Ali Sotto ngayong umaga, April 19, ang kanyang pagtakbo bilang senador sa 2019 mid-term elections.


“Matagal na akong kinukumbinsi ng mga naniniwala sa prinsipyo natin,” bungad ni Ka Freddie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong una, sabi ko, tama na ang kontribusyon ko. Gumagawa ako ng kanta, okay na.

"Pero ang mga supporters natin, lagi akong kinukulit na ituloy na para magawan ng paraan ang paggawa ng batas at maidirekta ang tulong sa ating mga kababayan.”

At malaking factor daw ang pagkaroon niya ng kakampi sa Malacañang, “bilang tulong na rin kay Presidente Digong para mapangalagaan ang mga pagbabago.”

Sabi ni Ka Freddie, “Hindi na ako makatanggi. Wala na akong dahilan para humindi.

"Sabi ng ating supporters, 'Tulungan mo na ang kakampi mong si Presidente Digong.'"

GORGY RULA: Hindi lang ako sure kung sa NCCA pa rin ba si Ka Freddie, kasi parang wala naman tayong nababalitaang may ginawa siya para sa naturang ahensiya.

Hindi kagaya ng ilang taga-showbiz na nasa posisyon ngayon, tulad ni Cesar Montano ng DOT, Liza Diño ng FDCP, at Arnell Ignacio ng OWWA na active talaga sa kanilang responsibilidad at meron talagang ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hindi man natuloy si Ka Freddie sa NCCA, wala pa siyang napapatunayan para sabihing kaya niyang magsilbi bilang mambabatas ng bansa.

Hindi sapat yung mga nalikhang awitin, kagaya ng "Anak" at pati ang theme song ng kampanya ni President Duterte.

Hindi basehan yung pagiging Dutertards para suportahan ng mga tao at iluklok na senador ng bansa.

Tingnan na lang natin kung lalabas na ang pangalan ni Ka Freddie sa survey pagkatapos niyang magdeklarang tatakbo siya sa 2019 elections.

JERRY OLEA: Enero 2, 2018, Martes ng gabi, nasunog ang bahay ni Ka Freddie Aguilar sa North Fairview, QC.

Humigit-kumulang sa P20M ang halaga ng natupok na ari-arian ng 65-year-old singer-composer.

Nang linggo ring iyon inihayag sa website ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts) na ang bagong chairperson ng komisyon ay ang National Artist na si Virgilio Almario.

Ngangey si Ka Freddie na makaupo sa nasabing posisyon.

At ngayon, kakandidato siyang senador.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sino kaya ang susuporta sa kanya sa pangangampanya?

Malaking gastos ang kumandidatong senador.

Di bale kung sikat na sikat siya, kagaya ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nang kumandidato ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results